Quantcast
Channel: Balay Sugidanun
Viewing all 503 articles
Browse latest View live

“Nakangiti Ako” ni Jubelea Cheska Copias

$
0
0

Ulan kuha mula sa loob ng bus patungong Banaue (iPhone kuha ni Pangga Gen).

Lunes. Nagising si Andong sa pamukaw na sigaw ng kanyang ina. Inaantok pa man ay pinilit na nito ang katawan na bumangon at baka hindi lang sigaw ang abutin niya kapag nagtagal pa siya. Padabog siyang naglakad patungong banyo habang kinakamot ang ulo dahilan para mas magulo ang buhok niya.

“Nay naman kasi, kaaga-aga ratatat ng ratatat ‘yang bibig mo. Araw-araw na lang ba?”, naiinis niyang sabi.

“Aba, kung maaga ka sanang bumabangon at tulungan ako dito sa bahay bago ka pumasok sa eskuwela eh wala kang maririnig sa akin,” bulyaw sa kanya ng ina.

Hindi na siya sumagot. Alam naman niyang mali kahit ano pa ang sabihin niya. Hindi na ito bago sa kanyang pandinig dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay litanya na ng ina ang nakagisnan niya. Nagmadali siyang maligo at magbihis at dumiretso na sa kusina. Tiningnan ang pagkain sa lamesa: pritong itlog, sinangag, at paksiw ngunit wala siyang gana. Ito ang paborito niyang agahan pero ngayon tila may pumipigil sa kanyang sarili na umupo at galawin ang niluto ng ina.

“Papasok na ho ako,” marahan niyang sabi.

“Hindi ka mag-aalmusal?”tanong ng ina niya na may konting pagkayamot dahil sa pagod. Makikita na ang maiikling guhit sa noo nito.

“Mahuhuli na ho ko eh.”

Hindi na niya hinintay ang susunod na sasabihin nito. Agad siyang bumalik ng kuwarto at kinuha ang bag. Saglit siyang lumingon sa salamin at ngumiti. Papasok na naman siya at ang ngiting iyon ang babaunin niya upang matago ang kanyang pinagdadaanan.

“Ano ba naman Andong, magtino ka nga! Puro ka daldal, eh wala namang laman ang kukote mo!” Galit na sabi ng katabi niya.

Lumang tugtugin na rin kay Andong ang mga linyang y’an. Halos lahat naman kasi ng kamag-aral at guro ay rinding-rindi na sa malaki at bilugan niyang boses.

“Uy Tinay, tulungan mo naman ako sa proyekto natin, ang hirap eh hindi ako marunong,” pagmamakaawa nya sa kaklase.

Hindi natinag ang babae, inirapan lang siya nito at walang lingon-likod na naglakad palayo. Napabuntong-hininga na lang siya at sinapo ang noo.

“Na’san ang takdang-aralin mo?” Galit na tanong ng guro niya.

“Wala, Maam,” sagot niya.

“Hindi ba’t sinabi ko na h’wag pumasok kapag walang takdang-aralin?

Tumingin si Andong sa mga kaklase niya, lahat nakatingin. Nabaling ang kanyang mata sa mga kinikilalang barkada, maririnig ang impit na tawanan nila. Namula siya kaya’t hinablot niya ang bag sa upuan at patakbong lumabas ng silid.

Tirik ang sikat ng araw habang naglalakad siya pauwi. Pakiramdam nya’y sobrang bigat ng paa na iangat at gumawa ng hakbang. Pagtapak sa balkonahe ng kanilang tahanan ay maririnig ang sigawan ng kanyang mga magulang. Pinag-aawayan na naman nila ang kulang na sahod ng ama. Napahugot ng malalim na hinga si Andong. Dire-diretso siyang pumasok ng mapansin siya ng ina.

“O, bakit andito ka na? Maaga pa ah.”

“Walang klase,” tipid niyang sagot at nagpatuloy sa kanyang kwarto.

Nagsinungaling siya. Ang totoo ay pinalabas siya ng guro kaya napaaga ang kanyang pag-uwi. Pumasok siya sa kanyang kwarto at pabagsak na nahiga sa papag na gawa sa kawayan. Diretso siyang tumingin sa kisame, pansin pa ang iilang agiw na hindi naabot ng walis kaya hindi nakuha. Naalala niya ang nangyari kanina sa paaralan, kung paano niya tinawanan ang panlalait sa kanya, ang pagmamakaawa niya sa kaklse na tulungan sa proyekto nila, at paanong nanlupaypay ang kanyang balikat nang tinalikuran siya nito. Kung paano siya binulyawan ng guro, ang kanyang pamumula at ang pigil na tawanan ng barkada niya.

Naisip niya kung bakit ganun na lamang ang panghuhusga at pagtrato nila sa kanya. Hindi nga ba talaga nila napapansin o baka malabo lang ang mata nila? Hindi ba’t sila sana ang gagabay sa kanya na abutin ang pangarap? Pakiramdam niya’y siya lang mag-isa, walang nakakarinig sa kanyang hinaing dahil ang nakapalibot sa kanya ay matitinik na mata at nagbibingi-bingihang tainga.

Naramdaman ni Andong ang pamimigat ng talukap ng mga mata. Napalingon siya sa salamin sa may gawing kanan ng papag. Nakita niya ang malungkot na mukha, ang namumulang mata at ang namumuong luha. Naalala niya ang baong ngiti bago siya pumasok kaninang umaga.

Pumikit siya at nakita ang mga taong buong puso niyang pinakisamahan kahit wala siyang halaga sa kanila, ang mga magulang na walang panahong atupagin siya, at ang katotohanang nagdadaldal siya para magmukhang masaya sapagkat kapag natahimik syia ay baka hindi nyia makayanan ang depresyon na unti-unting kumakain sa kanya. Iminulat nyia ang mga mata at maririnig mula sa labas ng kwarto ang patuloy na bangayan ng kanyang ama’t ina.

Napangiti siya at napatawa.

___________________________
Si Jubelea Cheska Copias, tubong Manila, ay Grade 12 sa Senior High School sa University of Antique sa Sibalom, Antique.


Sa Likod kang Akun Silik nga Limug ni Jubelea Cheska Copias

$
0
0

SA LIKOD KANG AKUN SILIK NGA LIMUG

(Binalaybay para sa International Working Women’s Month)

Sa pagbag-o kang dyang kalibutan

Nagpinsar ako nga papag-unun ang akun kinaadman

Nagsulud ako sa patag-awayan kang kabuhi

Ginpasyagit kag kang nabatian nanda ang akun silik nga limug

Ako anda ginkadlawan

Sakit sa baratyagun nga limitado ang akun mahimo

Ginhan-us nanda ako sa dum-ok kang bayuan, sa kusina nga maraing

Hay ginapinsar nanda nga amo lang dya ang akun masarangan

Pareho kang pispis nga dalawidaw

Ginapabay-an

Hay abi nanda limug lang

ang anang pambato sa tanan

Rayu sa banog nga baskug ang paku sa paglupad kag pagdara kang pisu nga maluya

Sa likod kang akun silik nga limug

May kinaadman ako

Kusug nga ginapirit ipaintyindi sa mga tawo

May ikasarang ako

Bukun lang amo dya ang mahimo ko

Makuri man ang akun mga kahig sa pagtikang

Kulang man ang purus kang akun mga butkun

Hindi kamo magkabalaka

Kun ako ang makadasma

Mabangon ako kag turuka

Hindi ako maalang-alang sa pagtindug

Sarangan ko atubangun ang adlaw nga may yuhum sa akun baba.

Pagbag-o.

Singgit kang

akun dughan

Babaye ako.

Itupung ang inyong panuruk,

hindi pagpanabaa

Untati ang pagtingala nga makita sa inyong mga mata

Huod, sarangan ko dya

hindi run pagpamangkot

Sarigi ako.

Tugrui ako kang tyempo

Nga mapamatud-an ang akun kaugalingun

Makatupung ako sa inyo ginatindugan

Ang akun silik nga limug may maabutan

Hindi man madara kang akun butkun ang kabug-at kang

inyong ginapas-an

Hindi man ako makakuntis sa pagdalagan

May purus ako nga magpabag-o kang paraabuton

Patas kang pispis nga dalawidaw

Ang akun silik nga limug

taas ang madangtan.

Pagsunog kay Hudas sa Sabado de Gloria

$
0
0

Pagsunog kay Hudas, Sabado de Gloria 2018, San Pedro, San Jose, Antique.

San Pedro, San Jose, Antique: Nasaksihan ko sa unang pagkakataon nitong gabi ng Sabado de Gloria, Marso 31, ang tinaguriang “Hudas, Hudas.” Masasabing ito ang pagganti ng publiko sa pagtataksil ni Hudas kay Hesus. Nagsisimula ito sa pagbitay sa effigy ni Hudas. Sunod, ang paligsahan sa pag-iyak; pagkakataon ng sinuman sa odyens na magpahayag ng saloobin ukol kay Hudas. Sa aking nasaksihan, sinalihan ito ng limang miyembro ng komunidad at panunumbat sa pagtataksil ni Hudas kay Hesus ang pangunahing monologo. Pagkatapos, ang highlight ng gabi, ang pagsusunog; isang mensahe na huwag tularan: huwag maging Hudas.


Ayon sa mga residente, nagsimula ang tradisyong ito noon pang 1925 sa pasimuno ng Aglipayan Church. Sila hanggang ngayon ang organizer nito at suportado ng simbahang Katoliko, ng komunidad, at lokal na gobyerno.

Maliban sa elemento ng “spectacle” at dimensyong didactic, na maaaring pangunahing faktor sa pagpapatuloy nito at pagiging popular sa komunidad kaya rin binibisita, nakita ko na kapag mapaghandaan pa ang mga naratibo ng sumasali sa paligsahan sa pag-iyak, isa itong epektibong platform sa pag-uugnay ng relasyong Hesus-Hudas sa malawakang sosyo-politikal na mga isyu sa bayan at bansa.

Salamat sa pamilya Fabila sa akomodasyon sa akin.

Pagsunog kay Hudas

Kinaray-a Heritage Merienda

$
0
0

I came home to Antique last Holy Week and grateful to have enjoyed again these childhood favorites: ibos (sticky rice), bukayo (grated young coconut cooked in muscovado sugar) and “inday-inday” or “bayi-bayi”(sticky rice topped with young coconut and heirloom seeds).

“Bukun Ikaw Ako” ni Jubelea Cheska Copias

$
0
0

bulak kang tag-irinit

Panaw
Diretso
Indi pagbalikid
Atubanga kun ano ang ginpasublang kanimu
Indi ako pagpaminsara
Indi ako paghuwada
Lain ako kanimo
Ang kabuhi ta bukun palapaw-lapaw
Kundi kun ano ang mahimo mo tubtob sa imong ikasarang
Ang kabuhi bukun patas ka burador nga patayog-tayog
Lain sa bagsang nga patining-tining
Rayu sa damang nga paisug-isug
Ang kabuhi ta amo nga sadya kita
Kay husto dun kanatun ang makita kang mata
Wara run gasagap kang sobra
Wara ginakumparar ang kabuhi sa iba
Lain ako kanimo
Lain ang imong ginalapakan sa ginatindugan ko
Indi ako paghuwada
Kay gintuga ako nga wara ti kaangay
Himua lang kun ano ang buot mo
Indi pagpatasa sa kun ano ang ginaplano ko
Bukun ikaw ako
Bukun kita pareho
Indi ta ikaw mangin kaanggid bisan san-o
Panaw
Padayon
Turuka ang punta kag liko sa kun diin mo gusto
Kay lat-an ko kun diin ako mapondo
Kag kun ano ang gahulat kanakun
Indi pagsunod
Kay lain ang para kanimo
Lain ako
Lain ikaw
Indi kaw magtinguha para malapawan ako
Paghimakas kay amo ra ang ginpili mo
Kay bisan mag-iwan ikaw ka lagas kanakun
Malapakan mo lang ang akun haron
Bukun ang kun sin-o gid ako.

Ang Kilometer Zero ni Wilfredo Pascual

$
0
0

Nakalimutan kong magbukas ng Facebook at Netflix nang simulan kong basahin ang Kilometer Zero ni Wilfredo Pascual. Sakay ako ng bus pauwi sa Manila mula Baguio saan nabili ko ito sa Mt. Cloud Bookshop. Napatili ako nang makita ko ang kopya, tuwang-tuwa, dahil noong isang buwan, nang tinanong ko ang kaibigang Kristian Cordero na dalhan ako ng kopya sa pagkikita namin, wala na raw, naubos na ang kopya nila na binebenta sa Naga. Gusto ko ang ganitong moment, sa bookstore man o sa iba pang espasyo at aspekto sa buhay: ang makita ang matagal nang pinagnasaan sa hindi inaasahang pagkakataon, o ang makita ang akala mo wala na, kaya ang pagkatiyak na angkinin ito, ngayon din.

Sinimulan ko ang pagbasa sa “Terminus,” pangalawang sanaysay bago ang pangsarang “Kilometer Zero.” Pakiramdam ko, makailang beses akong namatay at muling nabuhay. Hindi lamang sa kuwento kundi sa galing mismo ng pagkukuwento ni Pascual: mahusay na gamit ng lengguwahe, epektibong pagbubukas at pagsasara, ang pagbalanse sa bigat ng laman sa organikong reflective na tono kaya ang hagod at daloy ng pagkukuwento sa pahina, at higit sa lahat, ang maturity at sincerity. Nang matapos ko ang unang sanaysay, ang “Animalia,” at makarating sa “How to Remember Larry,” nasabi ko sa sarili: gusto ko siyang makilala.

Umulan, malakas, nang sa Valenzuela na kami. Pambihira sa buwan ng Abril. Gayunman nakakatuwa dahil natimpla nito ang init ng panahon. Isinara ko ang libro. Umuulan, nasa bus ako, may bintana: kailangan kong namnamin ang ganitong mga pangungusap ni Pascual:

“Talk to me about survival.”
“Tell me what the world means to you.”

Maraming libro ang nasimulan kong buklatin at basahin, pagkatapos, itatabi. Saka na uli kapag natapos ko na ang mga dapat mas unahin. Pero hindi itong libro. Gusto ko ito: ang muling ma-possess ng pagbabasa. Iyong pakiramdam na kailangang matapos ko siya para makapokus ako sa klase kinabukasan, ang huling araw ng klase namin sa DLSU. Kaya matapos maayos ang mga gamit, nakaligo, nakapagluto at nakakain, muli ko itong binasa sa kama.

Dinala ko ito kinabukasan sa opisina at inabala ang mga kaguro sa pagbabalita: “Oy, basahin n’yo, ang galing, ang sarap basahin!”

Naalala ko: may mga kopya pa sa Mt. Cloud.

Pangga Gen @ (Author)ities: 9th Philippine International Literary Festival

$
0
0

Come, join us on the 19th and 20th:

Pangga Gen with her writing group, Taftique, Inc.

Pangga Gen in the company of fellow women writers writing in different tongues.

For more details: Facebook page of the event.

Mabuhay ang mga Manunulat! Mabuhay ang mga Mambabasa! Mabuhay ang mga Pabliser! Sa (Author)ities: 9th Philippine International Literary Festival

$
0
0

Mabuhay din sa National Book Development Board (NBDB) sa pamumuno ni Ma’am Neni Sta.Romana-Cruz at sa kanyang staff, partikular kina Debbie Nieto, Juan Martin Guasch, at Hazel Sadian : sa unang pagkakataon sa aking kaalaman, nagkaroon ng open call para sa mga panel presentation sa dalawang araw na festival nitong Abril 19-20, 2018. Nagsumite kami, ang Taftique,Inc., grupo ng mga manunulat na kinabibilangan ko simula 2015 na binubuo ng mga faculty at graduate student ng De La Salle University, Manila. Nagpresenta kami sa hapon ng unang araw sa Main Theater Lobby ng CCP sa panel na “Essays on Place and Novels-in-Progress.” Nagbasa kami ng sipi ng aming mga akda: si Vijae Alquisola, ang kanyang “Mahiwagang Balutan, Kalabaw at Pag-uwi sa Yutang Kabilin”; si Adrian Ho, ang kanyang “Of Cities and Selves”; si Clarissa Militante, ang kanyang “State of Happiness”; si Joyce Roque, ang kanyang “How to Ride a Train to Ulaanbaatar and Other Essays”; si Dowee Untivero, ang kanyang “Sisa Corner Matiyas”, at ako, ang “Hello, Ellis.” Ang multi-awarded na manunulat at filmmaker na si Kristian Cordero ang aming moderator. Sa hapon ng Abril 20, sa panel na “Writing As A Woman, Writing in Different Tongues”, kasama ko sina Ma’am Marra Lanot, ang pangunahing bisita na nobelistang Fil-Am na si Elaine Castillo, at moderator si Luna Sicat Cleto. Nagbasa ako ng sipi ng bago kong akda, isang sanaysay, ang “Ang Alam Ko sa Giyera.” Marami ang dumalo. Nakakatuwa. Mabuhay din sa Intertextual Division ng CCP sa pamumuno ng manunulat na si Bebang Wico Siy! Iba nga rin naman ang pakiramdam kapag nasa gusali ng gobyerno ang venue. Sa unang gabi, nag-launch ng 75+1 ang tinataguriang rebelde ng paglilimbag sa bansa, ang Ateneo de Naga University Press. Masayang gabi kasama ang mga kapwa manunulat, mambabasa, at taga-suporta ng panitikan, wika, sining, kultura, at edukasyon. Nagbasa ako ng tula sa Kinaray-a, ang “Pangayaw ang Tubig nga Akon Palangga” (“The Water I Love Is A Stranger”) mula sa aklat kong Sa Gihapon, Palangga, Ang Uran/Always, Beloved, The Rain na inilathala nila noong 2014. Katotohanan na, reyalidad, hindi na lamang isang posibilidad, ang patuloy na pamamayagpag ng Bikol, Kinaray-a, Hiligaynon, Sebuwano, Waray, at ang marami pang wika sa bansa sa mga publikasyon at pagtitipong katulad nito. Gayunman, hindi pa ito ang norm, hindi rin normal kundi natatangi kaya’t espesyal, kaya ang patuloy na “pag-aklas, pagbaklas, pagbagtas” sa salita ni Roland Tolentino (pamagat din ng isa niyang aklat sa kritisismo). Sa ngayon, pagbati! Hiling ko na sana sa susunod na taon, may sustento para sa mga manunulat na galing sa labas ng NCR. Ilan sa mga bagong libro na nabili ko. Mabuhay din sa mga pabliser na nagpapatuloy sa paglilimbag ng mga akdang pampanitikan! (Kuha na mga larawan ni Jayjay Avelino ang una, pangatlo, at panglima).


Binalaybay ni Jubela Cheska Copias

$
0
0

Pagbiya
ni Jubela Cheska Copias

Palangga,
Bituon ikaw nga nagaigpat sa kahawaan.
Bisan anhun kaduro ikaw gihapon ang makit-an.
Sa gab-i nga wara’t iba nga matahum,
Ikaw lang.

Palangga,
Nagayuhum ako.
Kun nagahinalup run ang adlaw.
Samtang ginalamon kang kadulum ang tanan,
Amat-amat.
Nagtuhaw run ang imong mga kaubay,
Ginsagap ikaw kang dughan.
Rugyan ikaw.

Garing tubtob san-o,
Ako magabantay?
Sa imong pag-abot,
Sa imong pag-igpat,
Palangga,
Nakapoy run ako.
Maghulat,
Magtangra.
Wara ti tsansa,
Nga ikaw akun malab-ot.
Nag-ilig ang luha,
Amat-amat.

Rugya ako,
Sa gihapon nagalantaw.
Samtang nagadulum ang palibot,
Wara run ako nagayuhum.
Nagtuhaw run ikaw,
Garing indi run ang dughan.
Hay bisan anhun ko katangra,
Indi gid ikaw mangin akun,
Palangga.

Tag-irinit sa Uma: Mga Litrato

$
0
0

Enya & Jet Ang mga Burak kang Puno kang Doldol May Yellow nga Siregwelas kag Nanaka Kami Amo Dya Ang Pagbatas kang Init

Sicogon Island: Buaya Beach, Balay Kogon, and Mt. Opao

$
0
0
BBuaya Beach, Sicogon Island

Buaya Beach

First: where is Sicogon Island, and, how to go? Sicogon Island belongs to the town of Carles in the northern tip of Iloilo. It is an inhabited island of sitios and barangays with a beach called Buaya and a mountain named Opao. There are myths and legends here, stories locals tell themselves to mark and remember their place. Our guides told us so, brothers who are among the remaining residents after the Ayala group of companies brought the island. Maybe not yet the whole island as of now. But there’s a map of the development plan and constructions are ongoing. Perhaps this is one of the reasons why I wanted to go: to see it now, after what happened to Boracay Island, and before it gets more expensive and exclusive.

Sicogon Island

Airstrip construction

How to go here? For a commuter, they say the best way from Manila is via Roxas City, Capiz. Nearer. We are from southern Antique so my sister and I spent a night in Iloilo City for the first morning van ride to Estancia, the town before Carles. Here’s the thing: we have now nicer terminals but we do not have yet the published and exact time of arrivals and departures of buses and trains, like abroad. Because, until now, and especially with the increasing gasoline price, public transpo like the van will only depart once full. That is its advantage to the Ceres bus, that stops everytime there’s a passenger on the roadside, thus the trip takes longer. So, we operated on “acquired hunch”: we went to the van terminal in Ungka, Jaro at 4:30 a.m. We were able to leave at 5:15 a.m. Not bad.

It rained midway. I calmed myself by trusting that the driver knows his road. 14 towns in 2 hours, and we were there at the Estancia Terminal! Important Note: It is still an underdeveloped terminal. In short, mainly an open space for vehicles to park for loading & unloading goods & passengers. We hired a tricycle for P100.00 to the port. There are two: the Estancia Feeders Port and the Estancia PPA (Philippine Ports Authority). The tricycle driver brought us to the Feeders Port. There is a row of carinderia. We ate in one, to my satisfaction: relatively clean, fresh and newly-cooked dishes in good price and quantity, nice & warm staff.

Sicogon Island

Estancia Feeders Port

Since availability and schedule of boats depend on the number of passengers, and usually leave at noon, we hired a banca via the customer service of Balay Kogon for P3500.00, round trip.It proved to be a good decision for a 45- minute to an hour of boat ride in the rain & waves with the two good men of Sicogon. To date, Balay Kogon is the only commercial accommodation in the island. The name appropriates “balay,” the Visayan word for the “bahay” of the Tagalog, the “house” in English. “Kogon,” from “cogon,” the variety of grass abundant in the island.

Balay Kogon

Pag-abot sa Uran

Ayala owned & operated, it is tasteful, with attention to details. It has satisfied my expectations: from reservation to the in-house services; our Garden Room with its cozy ambience & lighting & soft linens & premium bathroom toiletries, to the quality of food (no MSG) & on-time service in the restaurant. There’s no Wifi. A signal booster is stationed in the main lobby, the dining hall, that is also the roof deck facing Higantes Islands. It was fine with me, in my “far from the madding crowd” mode. Work still caught me though, so, a mechanism for a stronger signal in designated spots would be helpful.

We hiked Mt. Opao. From Balay Kogon, it was a P200.00/head habal-habal (motorcycle) ride in a single-lane-cemented-path traversing the barangays to the entry point where I have picked a ripe cashew fruit. Our drivers were also our guides. I have hiked and climbed higher mountains so the ascent was not remarkably hard. My sister and I enjoyed naming with our guides the many different fruit trees, flowers, grasses and insects along the way.

Bulak sa Mt. Opao

We reached the top: what a joy, not only from the activated feel-good hormones but from the beautiful seascape. We were entertained with stories as we pointed to the surrounding islands: the legend of their name based on their distinct shape, and the disappearance after the supertyphoon Haiyan/Yolanda of the buaya (crocodile) shaped rock formation from which the beach derived its name. Also: the stories of anguish brought by the supertyphoon, and the relocation to the neighboring island of those who lost their home and livelihood and chose to sell to the corporate buyer for P150,000.00. More so: the stories of everyday struggles for survival, and to stay in the island – in their own balay; this island as their own balay.

Sicogon Island

Sunrise at Buaya Beach, Sicogon

 

Balay Kogon employs the locals and coordinates with them for what they described as “summit-to-sea” activities. We tasted the best tuba, the “sugar water” of the newly-harvested fresh sap of coconut – so it is the organic coconut wine – courtesy of our Mt. Opao guides. We availed the tour of Higantes Islands the next day (subject of another blog)and left after breakfast on the third day. We woke up to a sunrise and the weather turned fair. We sailed smooth back to Estancia port. We ate lunch at the same carinderia and headed to Balasan Terminal, bigger and more developed, for a Ceres bus ride to the town of Carles. We felt we needed to experience more of the north, certain the “next time” will take a while and entirely different.

The post Sicogon Island: Buaya Beach, Balay Kogon, and Mt. Opao appeared first on Balay Sugidanun.

Islas de Higantes: A Taste of Wasay-Wasay & The Lesson of The Lagoon

$
0
0

We made it to Cabugao Gamay!

Islas de Higantes! There are available versions online of the legend of Islas de Higantes that you can read. For the version of our tour guides, this is the one-sentence summary: There was once a giant who stole cabugao fruits from Negros and when chased and caught he dropped them and these became this group of islands now called Islas de Higantes. It is also known as Higantes Islands, or simply Higantes, in the town of Carles in the northernmost part of Iloilo.

My sister and I first visited this early May. It was an hour of banca ride from Sicogon Island, from Balay Kogon where we stayed. It was a day-tour of four islands: the most Instagrammed  Cabugao Gamay Island,Bantigue Island for its sandbar, Antonia Island for snorkeling and swimming and lunch, and the Tangke Salwater Lagoon.

Cabugao Gamay Island: “Cabugao” is a variety of native pomelo, though I have not seen it there either as a tree or as a fruit sold in stalls. “Gamay” means “small” in both Kinaray-a and Hiligaynon, two major Visayan languages in Panay region. Obviously, there’s Cabugao Daku, or the bigger island nearby. It was not included in our itinerary. This means Cabugao Gamay is more special: look at this view:

Cabugao Gamay

We were also welcomed by baskets of Wasay-Wasay, a variety of shell shaped like an axe, thus its local name. This was my first encounter with Wasay-Wasay, and I loved it! Nanam, tasty and meaty.We had a basket for P200.00. We finished it, to full satisfaction and amazement, without getting sick!

Wasay-Wasay

Antonia Island fascinated me: How did it become Antonia? No one was able to tell me. It has a wide powdery-white beach and big rock formations.

Antonia Island

We had fair weather: look at the sea reflecting the sky, look at the coconut trees!

Antonia Island, Carles

There is a designated snorkeling and swimming area.There are sari-sari stores and carinderias here for lunch. You can also bring your baon or picnic spread with family and friends. As for us, we had another basket of Wasay-Wasay, and scallops equally abundant here. And grilled squid and fish shared by our two newfound friends.

Wasay-Wasay sa Higantes

Grilled Squid

“Tangke” means “tank.” I will remember the Tangke Saltwater Lagoon for my fear to swim in it, in contrast to my sister’s boldness and courage. I was enchanted that it is a lagoon, that it has towering heights of rocks with depths that I cannot measure from its greenish and bluish waters. Its beauty terrified me. My swimming pool lessons did not prepare me for it. I saved myself from cowardice by climbing a side of rocks encasing it.

Si Pangga sa Tangke

 

This encounter strengthened my resolve to get to know more about water: befriend it, have a constant relationship with it through swimming, to conquer my fear and to be able to enjoy more of our seas, rivers, lakes and lagoons.

The post Islas de Higantes: A Taste of Wasay-Wasay & The Lesson of The Lagoon appeared first on Balay Sugidanun.

Dave Eggers’ The Monk of Mokha’: Your Coffee Book

$
0
0

img_2445‘The Monk of Mokha’ (Knopf, 2018) by Dave Eggers tells the story of a young Yemeni American Mokhtar Alkhanshali, founder of the coffee company called The Port of Mokha. I bought this book in Utrecht last February on the way to a conference in Belgium. Because Dave Eggers. Because nonfiction from a region in the world recent events compel us to know more beyond headlines & click-bait articles. Because it’s a migrant’s success story. Because it a story about coffee. Because it is more than coffee. Because it is a new release and the title is intriguing, the cover attractive. This is one of my summer reads that I finished in three locations: I started reading it in our farm house in Antique, brought to my holiday in Sicogon Island, and finished in my bedroom back in Manila. Relatively thick, it is an easy read: accessible language in conversational tone, the straightforward narration flows as a thriller: will he survive, can he bring out the coffee from Yemen, can he get financing, will the ship indeed arrived with his coffee in good condition? It is your postcolonial epic hero’s journey. Mokhtar survived it all: the checkpoints, the bombings, his first boat ride in the Red Sea, the flight out back to the US to attend with his friend Andrew. We are lead to admire him. He possesses the qualities for success: curious, gritty, passionate, street-smart, socially adept. Like Mokhtar, Eggers wants us to believe there’s always a way amidst precarious and difficult situations like war, and people who can lend us money and fully support us to actualize our dream.

The post Dave Eggers’ The Monk of Mokha’: Your Coffee Book appeared first on Balay Sugidanun.

When in Downtown Iloilo: Gallery i, D’Top’s Bookstore, and KongKee

$
0
0

Iloilo City is my transit point between Manila, where I live and work for 18 years now, and Antique, my province. I go home regularly and I am always happy to stop for a while in the city. There are college batchmates and writer friends to meet-up for lunch and dinner over talaba and tinola. There are premiere hotels to budget rooms and heritage houses turned bed-and-breakfast. There are malls and malls with supermarkets stocking local organic produce. There are zones of green and open spaces friendly for biking with rows of franchised and home-grown restaurants and coffee shops.

This summer, I chose to stay downtown, in the old district, the Calle Real, which is primarily the J.M. Basa and Iznart Streets.

Downtown Iloilo City

My sister and I found Gallery i. It is relatively new, one of the mushrooming galleries in the city. It is at the 2nd Floor of the old Eusebio Villanueva Building, across D’Top’s Bookstore. We caught them preparing for an art-and-bike event that week but we were allowed to come in. On display are the Hilway products crafted by women prisoners and curated by Rosalie Zerrudo of the University of San Agustin.

Hilway & Pangga Products

D’ Top’s is known for its affordable textbooks. In absence of a decent bookstore in the city, that is, a bookstore that carries reputable titles and known writers both foreign and local, D’Top’s remains to be the bookstore to go, aside from BookSale in Robinsons. I found titles from UP Press.

D’Top’s Bookstore

Nearby, in the same row of building, is KongKee, one of the oldest Chinese restaurants. We ordered lomi and siopao.

Lomi sa KongKee

We strongly recommend this place: good taste, good price, good service. Siopao @ KongKeeThere are many more gems to be revisited and discovered in the old district, such as of architecture & history, food & culture. These three spots filled me with both memories and visions: I left re-energized.

The post When in Downtown Iloilo: Gallery i, D’Top’s Bookstore, and KongKee appeared first on Balay Sugidanun.

Kinaray-a Heritage Merienda

$
0
0

I came home to Antique last Holy Week and grateful to have enjoyed again these childhood favorites: ibos (sticky rice), bukayo (grated young coconut cooked in muscovado sugar) and “inday-inday” or “bayi-bayi”(sticky rice topped with young coconut and heirloom seeds).


Timplado ni Jonathan Davila

$
0
0

Timplado

Kanami kun ensakto lang ang panahon,

Kagina sang aga nga nag-init

nga nagpamala sang mga linabhan

kag kagina sang hapon nga naggal-um

kag nagbunok ang ulan, naghugas sang

mga dahon kag sekreto sang kakahuyan.

Mas manami kay ang ulan inanay,

nabaton gid sang duta ang iya handum.

Kag ang mag-iloy nga nagtabok

may tion sa pagdalagan sa pagpasilong,

si Nonoy na-agbayan man gid si Inday

sa idalum sang payong. Ang mag-amigahay

nga subong lang nagbugnuhanay,

nagsulay sang makadali, naghaksanay,

san-uhay naman makitaay.

Mas manami nga ang init pakadto sa pinakainit,

para maskin paano masaburan sang panit

ang balhas, ukon mapadugos sang balhas ang panit,

para makaginhawa man ang dughan,

pagkatapos sang sungguranay nga binulan.

Sa sini sigurado nga may magatubo nga liso,

may maga-arado, may pagasag-ahun

nga mga sapa-sapa, may pagabuhangan

nga mga punong. Ang mga nagadali

makadumdum nga magtangla sa mga panganod

kag malinong nga patihan

nga indi ang tawo ang nagapatiyog

sining kalibutan.

“Ga-uran Run, Ang Bus Wara Gihapon” ni Genevieve L. Asenjo

$
0
0
Bulak sa Tag-irinit

Scenery in Ephrathah Farms in Iloilo.

Baskug ang uran, timgas ang mga turo. Rugya ako nagahulat sa terminal kang bus,
pabalik sa syudad, sakay sa eroplano, balik sa lain nga syudad. Kon magsuray ako,
ano ayhan ang lagpok nanda sa akun alipudwan? May balon ako nga himugo, himo
sa lusong kag hal-o. May bag-ong ani man nga bugas bangod daw kinahanglan ko
kang padumdom kang atun lupa. May nag-abot nga tatlo ka daraga, mga Ati. “Taga-diin
kamo, ga?” Pamangkot ko. “Taga-Pantad,” sabat nanda. “Kilala n’yo si ——-?” Huod,
kilala nanda ang kilala ko nga nakaistar kauna sa balay. Gabusong kuno kadya, bag-ong uli halin sa Manila, nga daw nag-agto lang para magpati sa paghigugma kang sangka laki. Nagbaskug run gid ang uran kag na-ambihan kami. Wara pa gihapon ang bus. May bag-ong nag-abot, mag-asawa sa payong. Kilala nanda ako kag anda ruman turno mamangkot: “Diin ikaw ga-obra, ga?” Makilala mo ang tawo sa pamangkot na kanimo angay nga ginahusgahan natun ang tawo sa andang sabat. Kag ano nga sa dyang bahin, nakita ko ang kanding sa unahan. Dag-un na ako sa suray. Nagausang pa kang bulak, abaw, ang lirio nga nagapamulak kadyang Oktubre! Kamahal kadya sa syudad nga ulian ko. Hasta magduro ang pasahero, nabuta ang terminal, kag wara gihapon ang bus. Indi run kami kilalahay. Wara ruman ako mamangkot. Wara man nanda ako ginasapak. Bisan ang mga mal-am, wara run it “Kay sin-o timo bata?” Mas mayad gid man siguro run dya. Nakita ko nga naubos run kang kanding ang bulak. Sa una nga tion, nabatyagan ko ang kapintas kang uran, kadyang paghulat, kadyang lugar. Nabatian ko ang duro nga lagpok sa akun pensar kag ang pag-usang ko kang himugo kag kang kanding sa lirio. Nabatian ko ang pagrupsak kang mga bato sa karsada nga ginadalaganan kang bus paagto kanakun, dalagan sa uran nga garupsak sa karsada imaw kang mga bato, kag ano nga ako lang ang ga-reklamo, nga daw katapusan kang pagdumdom, bisat wara pa makahalin, parehas abi nga antes ang himugo, ang bugas, ang paray, ang lupa.

“Ako kag ang Ëga”, Sangka Dagli ni Jubelea Cheska Copias

$
0
0

Gourmet Uga sa Balay | Litrato ni Pangga Gen

Nabugtawan ko ang dapëg ka lamayo nga ginbuog ni Nanay sa dapog. Gapanalëgsëg sa tëtënlan ang anang kahamot , kagërëtëm. Garing nagaugët ang akën ginhawa. Nagbungkaras ako sa baratangan kag nagdiretso sa karan-an nga kawayan.

“Hawël-hawël ruman Nay? Pira rën ka semana nga amu dya ang atën ginaagwanta. ”

“Pangga, agwanta lang gamay. Amo dya ang kabuhi sa atën, maanadan mo gid ang ëga.”

“Mayad pa rigto sa syudad, gadapli kami kang manamit, rugya kay puro lang mara.”

“Palangga, sa urihi maman-an mo nga manamit ang hawël-hawël sangsa mga nahayang sa lamisa kang syudad.”

Nagsanting sa akën talinga ang tinaga ni Nanay. Gapanagap gid raad ako kang lain—kang naandan ko, nga wara rëgya. Nadapgan ko ang kaaslëm ka sinamak. Daw naglaway ako, amo gali dya ang pangabuhi sa uma. Daw sa kaimol tërëkën garing sa gihapon kagarana. Daw sa kaluya paminsarën garing padayon ang kasadya kang tagipusuon nga daw sa wara gasagap ka sabaw. Husto rën ang tubig nga ipadalëndën sa gapagtik nga tëtënlan.

Naanad ako sa syudad nga puro manamit ang mahak-ën  nga aso. Kinahanglan mo kang lakët, ginakadlawan ang lamayo. Wara ikaw ti makaimaw nga pataw kun bëkën ikaw namit, kun wara ikaw ti sabaw. Garing mas nami ang mara. Bisan diin kaw lang idamhay, indi kaw gid magbalingag. Salum-od garing buhay mapan-ës. Mas namit gid man ang ëga.

Nagnilagabung ang sinas. Nagtindëg si Nanay kag nagpanalod sa salas, sa kwarto, sa darapogan. Gintërëk ko ang nahalad sa lamisa, daw may nagtulod kanakën nga maghapok kag magsarasawsaw sa sinamak. Pira rën ka semana nga nagaliwat-liwat ang adlaw namën sa lamisa.Wara rën ako nakatiraw kang lain nga pataw umpisa nga nakauli ako sa uma. Nagdugang ang lagpok kang sinas, nagtangra ako kag may nag-ilig sa akën dahi. Kag kang ihungit ko rën ang lamayo…

“Nay! Nasabawan ang ëga.”

“Kontaminado”, Isang Dagli ni Jubelea Cheska Copias

$
0
0

 

Sunrise at Buaya Beach, Sicogon

Makulimlim na umaga.
    Nagtalukbong ako ng makapal na kumot habang nakapamaluktot sa higaan. Malamig ang dampi ng hangin sa aking balat, at tinatamad akong bumangon.
    Maya-maya pa’y binuksan ko ang TV at nanood ng mga duguang balita na kahit saang istasyon ko ilipat ay paulit-ulit lamang ang ganap. Hindi na nagbago ang Pilipinas.
    Dahan-dahang kumalabog ang mabibigat na butil ng tubig sa bubong. Habang tumataas ang maduming tubig sa kalsada ay sya ring pagiging kontaminado ng Pilipinas sa mga kabulastugan.
    Dumungaw ako sa bintana. Nagsisilanguyan na ang mga bata sa “swimming pool” na nakagisnan. Pinatay ko ang TV at natulog.

Poet Genevieve Asenjo Reads in PEN’s ‘Free the Word!’ Manila

$
0
0

Poet Genevieve Asenjo reads in ‘Free the Word!’, a “roaming event series of contemporary literature from around the world” by PEN International.

Video by Asha Gutierrez.

‘Free the Word!’ Manila |Poetry and musical performances | Poster by PEN Philippines

Program of ‘Free the Word!’ Manila | Poster by PEN Philippines

Poet Genevieve Asenjo reads in ‘Free the Word!’ Manila
Viewing all 503 articles
Browse latest View live