“Dalok,” Binalaybay ni Jubelea Cheska Copias
“Palong,” Mabugu nga Istorya ni Fonzy Samillano
“Palong” ni Fonzy Samillano
Ginhakwat ni Palong ang tuwang-tuwang nga galonan kang tubig kag ginlaktud ang taramnan nga gintunga kang tikô nga kahon. Nakug-ung run ang baka, napaharunan run man ang karbaw. Sa pinsar na nagalagsanay ang kalangkag kag kalipay samtang nabati-an na ang mga harihi ka mga bayi nga nagasuba pauli halin sa banwa. Martes nga adlaw. Kasanagun pa nagdulhog si Vacion sa banwa agud magbakal kang lamayo kag baog, kag agud manglingit ka barakal kang abono kay Auring.
“Adlawun run dya. Wara pa gihapon si Nanay mo,” mahinay nga kimod ni Palong sa anang magurang nga bata nga nagakuris sa dingding nga plywood.
Wara nagpalibak, ginsug-alaw ni Alisto kang magahud nga banghol si Vacion nga nagahangus pasaka sa apat ka halintang nga hagdan.
“Gha, napatay si Manding Auring kagabi-e. Nahayblad.”
Daw kilat nga hinali nagkuris sa langit ang balita nga nabati-an ni Palong. Gindungaw na ang taramnan sa birha nga my bintana. Sa sirak kang adlaw, daw malapad dya nga linaw nga bag-ong tinughungan kang baha. Ang mga dahon kang paray nagadunglay, nalumos sa katambukon kang hilamon.
Ginsulat dya ni Fonzy Samillano, tumandok kang Laua-an, Antique. Tana sangka propesyunal nga manunudlo sa University of Antique kag nagapadayon sa pag-engganyo sa anang mga estudyante nga magsulat kang binalaybay sa Kinaray-a.
Kung Paano Mabuhay, Ayon sa Tamawo
Kung Paano Mabuhay, Ayon sa Tamawo
Genevieve L. Asenjo
Tao rin ang tamawo. O may tao na isa palang tamawo. Magkaiba sila. Kahit parehong tubig ang 65-75% ng kanilang taong-katawan. Maaaring ang isa, halimbawa ang tao, ang hindi marunong lumangoy, kahit pa pareho silang taga-isla. Higit dito, tao ang tao dahil may kaluluwa. Ang tamawo, pinipili niya na magka-kaluluwa, kapalit ng pagkawala ng kapangyarihang maging invisible.
Isa siyang tamawong tubig na may kaluluwa. Ngayong tag-araw at mahal ang tubig sa siyudad, gusto niya maging invisible. Kailangan niya ng gintong bangka. Ito ang sakayan ng kanyang mga ninuno. Naglabas-masok ang mga ito sa mundo ng tao at mga diwata at maligno. Sa lupa at tubig. Ipinagtapat niya ito sa kanyang roommate. Buang, sabi sa kanya, ano’ng droga ang tinira mo? Para nga siyang tinira ng M16 – braaaatatatatat-tatat-tat. Kitang-kita niya ang katawan, isang tangkay ng lila na orkidyas. Tumatagas ang katas nito sa aspaltong kalsada. Kaharap na nga siya, ayaw pa rin paniwalaan: paano na kung isang balita na lang, o kuwento?
Iniwan niya ang roommate at ang kanyang bangkay. Isang lawa sa kalsada ang tagas ng kanyang dugo. Wala na ba siyang kaluluwa?
Sinubukan niya kung invisible na siya: kaharap ng salamin, sinuyod ng kanyang hintuturo ang natitira, at nanatili, na natatanging pisikal na palatandaan ng isang tamawo: ang kawalan ng guhit ng gulod sa gitna ng ilong, kabit sa bibig. Narito pa rin siya at naaaliw siya sa mukha. Maganda pala siyang tamawo. Kulay mais ang kanyang buhok. Kulot-kulot, hanggang mga balikat. Matangos ang kanyang ilong. Makapal ang kanyang mga kilay – natural – katulad ng kanyang mahahabang pilikmata. Galing siya sa angkan ng pinakasikat na tamawo ng Panay, si Prinsesa Olayra. Nabihag ito ng pag-ibig ng isang dayuhan. Kaya nawala, at naging alamat. Nagpapakita ito sa mga mangingisda, sakay ng kanyang gintong bapor.
Isang kuwento ng pangungulila si Prinsesa Olayra. Ayaw niya. Wala nang silbi ang pangungulila sa kanya. Nasa syudad siya at mahal ang tubig. Nagdesisyon siyang ipagpaliban ang pagiging invisible.
Muli siyang nanalamin. Hanggang naging pagkahumaling ito: mula sa salamin sa kuwarto na kanyang nirerentahan, hanggang sa salamin ng kanyang cellphone habang sakay ng dyip, hanggang sa salaming pader ng beauty salon saan siya nagtatrabaho. Ngayon lang, sa mga sandaling ito, habang pinapalambot niya ng hand cream ang mga kamay ng dalagang customer, habang dumudulas ang kanyang mga daliri sa balat ng dalaga, tanong niya: “Bisaya ‘kaw, Mam?”
“Ilongga.”
“Siling ko gid, e. Sabi ko na nga ba. Basta gwapa, Ilongga gid.”
Sampung taon na siya sa beauty parlor na ito. Palagi, kapag gwapa o gwapo ang customer, tama ang kutob niya: Bisaya. Kinukumpirma na lang ng kanilang probinsya o syudad: Bacolod, Cagayan de Oro, Cebu, Dumaguete, Iloilo.
Natuwa siya sa pagpapatotoo na ito ng customer. Napakanta siya. Ito ang awit na narinig ng isang datu sa isang epiko. Pumapalaot sa dagat ng Panay ang gintong balangay na sinasakyan ng datu. Kasama niya ang kanyang kapatid na nalikha sa isang ritwal, at mga alipin. Nasabi na sa kanya ng kanyang mga kaibigang kaluluwa ang pangalan at lugar ng kanyang katapat na dalagang mapapangasawa. Isang pakikipagtagpo ang paglalakbay na ito. Ngunit narinig niya ang awit. Tinunton ng kanyang gintong balangay ang baybayin na pinagmulan ng awit. Nakaharap ng datu ang isang diwata na katutubo ng isang kuweba. Nakita niya ang pinakamaganda at pinakabata sa kanila at na-engkanto siya! Nakipagniig siya dito sa ikapitong silid ng kuweba. Sinasabi na maging sa lahat ng diwata sa kuweba na iyon. Kaya nakalimutan ng datu ang layon. Hanggang isang araw, nahimasmasan siya at nagpaalam. Nainsulto ang mga diwata, nagalit sa kanya. Isinara nila ang pintuan ng kuweba: naging bilanggo nila ang datu.
“Mirisi nia. Maayo gani,” sabi ng dalagang customer. Buti nga sa kanya. Tumawa sila. May tinig ito na nagsasabi “hindi karaniwan na babae ang nagtuturo sa isang datu kaya kailangang gawin ng sinaunang taga-kuwento na isang daan at libong babae ito.” Ganito ang halaga ng lalamunan. Naiintindihan nila ito pareho. Magkaibigan na sila ngayon. Nagpatuloy sila sa pagsalita sa Hiligaynon. Sa lambing ng kanilang boses kumapit ang nail polish na electric pink sa mga kuko ng dalaga, sa mga kamay at paa. Bumagal ang oras sa loob ng parlor. Nangamoy ito ng batchoy. Tumaas ang init. Nagutom sila pareho, isang pangungulila. Kaya iniliko niya ang usapan nila ng dalaga sa matatamis na gawa halo ang asukal na muscovado. Tumambad sa kanya ang malawak na tubuhan ng Negros. Nakita niya rito ang kanyang bangkay, nakahandusay na tangkay ng lila na orkidyas. Sigurado siya. Siya ito, dito itinapon. At ngayon niya lang naisip: may humanap ba sa kanya? Halimbawa, ang kanyang roommate? Iniyakan ba siya?
Nalungkot siya. Ano ang kanyang numero? Tumigil siya sa pagpapahid sa mga kuko ng dalaga, huminga. Nagtatanong ang mga mata ng dalaga at nakita niya rito ang dagat. Nagpatuloy siya sa ginagawa para malangoy niya ang dagat na ito. Ngunit kinilabutan siya nang maalala na marami rin ang namamatay dito. Marami rin ang basta na lamang nawawala. Halimbawa, kinain ng pating, ng buwaya. Pinirata. Mula noon hanggang ngayon. Isa ba itong konswelo, na hindi siya nag-iisa?
Pinagmasdan niya ang dalagang customer. Nakikita niya ang mga bidang babae sa mga telenobela sa mukha nito, sa maputi at pinong balat, sa balingkinitang katawan. Hindi katulad niya na walang gulod ng kanal sa itaas ng bibig. Pinagtakhan niya kung may kaluluwa ang dalaga. Ano ang hugis nito? Mala-sea horse? Mala-yapak ng higante? Amoy rosas? Ng ilahas na orkidyas? Ng halamang gamot, halimbawa, herba buena? Naiiyak ba ang dalaga sa mga balita ng patayan? O matatakot sa kanya kapag ikukuwento niya ang nakita niyang sariling bangkay? O magagalit na may mga bangkay sa mga tubuhan ng Iloilo at Negros?
Ito ang kanyang nabigkas: “Minsan ba, Ma’am, naisip mo rin na basta na lang hindi magpakita…?”
Abala ang dalaga sa kanyang cellphone. Ngunit sinalubong siya nito ng tingin. Sinasabi ng mga mata nito na naiintindihan niya ang ibig niyang sabihin. Hindi siya buang katulad ng bansag sa kanya ng roommate. Hindi sumagot ang dalaga. Sa halip, pinakita nito ang marka ng laslas sa braso.
“Naku, Ma’am, h’wag,” nasabi niya. Lumabas ito na Tagalog, kaya mariin at pormal ang bagsak ng kanyang tono. “Hirap ng buhay pero dito pa rin ako.”
Ito ang kanyang maiksing kasaysayan: isa siyang Tamawong-Tubig na nalayo (hindi lumayo) sa malaking ilog sa isla na tahanan ng kanyang mga ninuno. Dumating isang araw ang “malaking tao” at mga kasama nito sa kanilang sityo sa gilid ng malaking ilog. Nakituloy sa kanilang matatanda. May mga dala silang tabako, alak, bigas, lumang damit, at pera. Nagkaroon ng sayawan, kantahan, kainan. Isang umaga, natuklasan na lang nila na hinahawan na ng mga ito ang kanilang malalagong bakhawan, matatandang punongkahoy at mga gamot-halaman. Pinagbawalan na rin silang magkaingin sa kanilang mga burol.
Binuwal ng kanilang chainsaw ang matandang bubog saan siya at ang kanyang pamilya nakatira. Wala na silang kapangyarihan kundi kaluluwa. Hinakot pati ang malalaking bato sa kanilang ilog, na parang nagtampo ito: bumabaw ang tubig.
Higit isang dekada ang nakalipas, sa edad na katorse, dinala siya ng kanyang kaluluwa sa bayan, sa malaking bahay ng “malaking tao.” Nakita niya rito ang ilan sa kanilang mga punongkahoy: ang apitong na kisame, ang narra na mahabang mesa, ang mga muwebles na yari sa mahogany. “Bulig-bulig,” ito ang pakiusap sa kanya ng asawa ng “malaking tao.” Tulong-tulong. Katulong.
Nakapag-aral siya hanggang hayskul. Nakapagpadala ng bigas at sardinas sa pamilya. Hanggang mabalita ang pagkasunog ng sityo. Hindi nakalikas ang kanyang pamilya. Hindi sila naligtas ng kanilang kaluluwa. Sa loob ng maraming taon, ikinahiya niya, at kinamuhian, ang pagiging tamawo. Wala itong silbi.
Wala ring silbi ang muhi at hiya. Lalo na ngayong hindi na lang gawaing bahay ang kaya niya. Kaya babalik siya sa tubig. Bago pa ito maubos at huhukay siya ng balon mula sa kanyang katawan. Ngunit hindi sa isang malaking ilog. Wala na rin ito ngayon. Isa nang mega-dam. Ang mga natitira, naging mga esplanada na noong panahon ng Espanyol. Ngayon, mga esplanade, salitang French na naiintindihan bilang salitang Ingles, na isang pasyalan lalo na pagsapit ng takipsilim.
Pupunta siya sa isang bagong isla na wala pa sa mapa ng mga turista. Sa bundok at dagat nito, doon siya muling magpaka-tamawo. Taong-tubig na mayroon pa ring kaluluwa. Berde. Aanyayahan niya ang dalagang customer. Sasakay sila ng gintong bangka. Tatawirin nila ang mga isla ng Panay, hanggang Guimaras at Negros. Pupuntahan nila ang tubuhan na pinagtapunan ng kanyang bangkay. Ililibing nila ito, isang tangkay ng lila na orkidyas, kumpleto sa ritwal ng kanilang matatanda, maging ng simbahang Katoliko. Ipagluluksa nila ang isa at libo-libong kamatayan. Halimbawa, ng mga diwata ng kuweba. Pinagbayaran ng kanilang buhay ang kalayaan ng datu. Sa dulo ng kuwento ng matatanda, nakatagpo nito ang nakatakdang mapangasawa at ikinasal sila upang maging tagapangalaga ng mundo. Wala na silang mga tamawo sa mundo ng kuwentong iyon. Masasabi ring wala na sila, bilang kuwento, sa mundo na ito. O mas tumpak: kuwento na lamang sa mundong ito, mahirap pang paniwalaan. Kaya aalagaan niya ang sarili. Tatanim siya ng bagong lila na orkidyas sa kanyang puntod. Tutubo ito at mamumukadkad, lalo na sa mga tag-araw. Mapipitas ito, mga talulot sa tubig para sa isang ritwal ng paggalang. Maririnig ang kanyang boses, ang kanyang nag-iisang lamunan, na sinasabayan ng isang daan at libong kaluluwa ng kababaihan: Narito kamiiiiiii!
Kailanman, hindi siya magiging invisible.
_______________________
Nalathala sa Philippines Graphic, 4 Agosto 2018.
Ma-download na PDF: Asenjogenevieve_Kuwento_Tamawo_2018
Bag-o nga Libro sa Kinaray-a ni John Iremil Teodoro
Koleksyon ka lima ka panaysayon ni John Iremil Teodoro. Ano ang tangkig? Ano, kag andut, ang “memorya bilang tangkig” para kana?
Ginbasa ko dya kaina samtang nagapamahaw sa sangka restaurant. Bangod ang pagbasa sa Kinaray-a sangka pagpamensar kag pagbatyag sa mga butang nga rapit sa tagipusuon, marahalon. Kinahanglan wara nagadali, kag kon pwede pa lang, sa mayad nga lugar nga makapahunay-hunay. Nami gid.
Kita n’yo man, nami ang cover. Desinyo ni Louise Lopez. Ang logo kang Sirena Books, desinyo kang kilala nga si Manix Abrera. Kon gusto n’yo man kang inyo kopya, email lang sa sirenabooks@gmail.com.
TAPOS NA ANG ANIHAN ni Jubelea Cheska Copias
Nagpakulo siya ng tubig sa nag-iisang kaldero. Ipangluluto niya sa noodles pagkatapos ay magsasaing na siya. Isang beses sa isang araw lamang siya kumain. Kailangang magtipid, lalo na’t patapos na ang anihan. Problema pa’y hindi umuulan, walang balak ang mga tao na magdouble. Iniisip niya kung anong raket na naman ang papasukin kapag wala nang makuhaan ng bagutbot. Maya-maya pa’y umusok ang kaldero, kumukulo na ang tubig. Binuhusan ng tubig ang noodles sa mangkok, at nagsaing. Patuloy ang pagtalak ng radyo. Mga balitang hindi na bago sa pandinig, “Isang babae natagpuang patay sa damuhan ng Lindero, Dao, Antique. Suspek ay patuloy na hinahagilap ng pulisya.”
Pagkarating sa taniman ay dumakot ng palay, at pinahanginan. Inaasahan niyang mas madami ang matitipon ngayon. Medyo sumasakit na ang tirik ng araw at namumuo na ang pawis sa kanyang noo. Kailangang mas madami ang kita para mapantayan ang nagmamahalang bilihin. Unti-unti niyang nararamdaman ang pagtuyot ng lalamunan, ang pagkahapo dulot ng alikabok at init. Maya-maya pa’y maririnig ang wangwang sa kalsada. Nagtaka siya kung bakit parang may nagpapatrolya. Naalala niyang may hinahanap nga palang suspek sa katabing lugar nila. Palibhasa’y wala naman siyang pakialam sa mga nangyayari sa bayan, dagdag pa’y tagabukid siya, o hindi rin siya nakikiosyo sa mga tao sa baranggay.
“Ingat, May Buwaya”, Kuwento ni Genevieve L. Asenjo sa Likhaan 40@40
“Ingat, May Buwaya”
Genevieve L. Asenjo
1
Nagiging marahas ako kapag kabisado ko ang wika. Halimbawa, kapag walang brewed coffee sa canteen: ohmygodwhatthehell!why can’t they invest on coffee maker?Halimbawa pa, sa coffee shop, pero wala namang choice ng brown sugar: ohmygod, don’t they know white sugar is terrible?Marami pang halimbawa: sa traffic, sa counter sa cashier, sa pila sa ATM, sa pag-connect sa wifi, sa pag-download sa internet. Hindi ko na kailangang mangapa ng mga salita, na ngayong mga araw, pag-iisip. Bratatatatat na lang. Blah-blah-blah-blah. Kokak-kokak-kokak.
Lunes ngayon, pinakamahirap mag-isip. Madaling maging terorista sa salita. Kaya susubukan kong maging bulaklak.
Nakapa ko sa isip ang isang tangkay ng lilang orkidyas sa bakuran ng aking lola doon sa probinsya noong bata ako. Umupo ito sa plorera sa aking mesa, sa gilid ng laptop, katabi ng mga folder ng papeles. Hello, how are you? Bati ko. Long time no see…but now see now. Narinig ko ang halakhak ng mga tiyo at pinsang lalaki sa linyang ito. Hapon, nag-iinuman sila sa tiyangge sa harap ng bahay ni lola sa probinsya. Bumaba kami sa bus ng tatay. Dito na muna ako titira at mag-aaral. Patay na si Nanay at magsa-Saudi siya.
Ito ang ibig sabihin ng mga magulang sa akin: punongkahoy na hindi ko maakyat, may mapait na bunga; kinukutya’t iniiwasan. Tinitigan ko ang tangkay ng lilang orkidyas. Maganda ito. Ninanakaw. Inaangkin. Dito muna ako. Ngayon na.
Ipagpatuloy ang pagbasa sa pag-klik ng buong kopya: AsenjoGenevieve_IngatMayBuwaya
Bantugan sa Panulatan Kinaray-a: Bag-o nga Paindis-Indis sa Pagsulat
Rugya ang bag-o nga paindis-indis sa pagsulat, ang Bantugan sa Panulatan Kinaray-a. Ginapatigayon dya kang Saint Anthony’s College (SAC) paagi sa anang Research, Planning,and Development Office sa pagdagyaw kang KasingKasing Press kag Balay Sugidanun.
MEKANIKS KANG BANTUGAN SA PANULATAN KINARAY-A
Pagsurondan Pangkabilogan
1. Ang paindis-indis bukas sa tanan nga pumarasakup magluwas sa mga katapo administratibo kag mga hurado kang Bantugan sa Panulatan Kinaray-a;
2. Ang mga pasakup sa paindis-indis dapat nakasulat sa Kinaray-a;
3. Ang mga pasakup dapat orihinal nga buhat kag tagsulat.
4. Ang mga kategorya kang paindis-indis amo ang sinanto nga pambata (nursery rhymes); sugidanun para sa kabataan; binalaybay; kag nobeleta
5. Ang paindis-indis opisyal nga nakatalana halin sa 1 Disyembre 2018 kutub sa 31 Enero 2019; ang mga nagdaug pagakilalahun sa 14 Febrero 2019 sa St. Anthony’s College;
6. Ang indibidwal nga huwadtarung (copyright) kang mga pasakup nagapabilin sa tagsulat pananglit sa pagpasakup sa paindis-indis ginatugroan kang pumarasakup ang tag-organisa ka awtoridad nga ibalhag sa imprenta, ukon porma elektronika ang pinasakup nga entrada;
7. Sa bahin kang pag-usisa kang kalig-on kang mga pasakup sa lantipulong kag para sa mga kabangdanan kang pagbalhag, ang pangunahun nga taramdam kang mga hurado kag editor amo ang libro nga Taramdan sa Lantipulong Kinaray-a.
Pagsurondan sa Pasumite kang Pasakup
1. Ang mga pasakup dapat naka-encode sa bugu (8” x 11”) nga bond paper, sa tatlo ka kopya; kag may 1” nga giliran. Ang pag-encode dapat nagagamit kang Times New Roman ukon Cambria, font size 12;
2. Ang pang-encode kang sinanto pambata, sugidanun para sa kabataan, kag nobeleta dapat naka 1.5 nga espasyo; ang binalaybay, sa 1 espasyo ukon suno sa porma nga ginatuyo kang manunulat;
3. Ang sang ka pasakup sa sinanto pambata dapat koleksyon kang kinse (15) ka bilog nga sinanto pambata nga nagasunod sa sang ka pangkabilogan nga tema. Ang koleksyon dapat may pangkabilogan nga titulo. Ang kada sinanto sa koleksyon dapat indi magsobra sa 40 ka tinaga gamit ang Microsoft word count. Mas ginapakamayad kon ang tema sara sa mga nagasunod: pag-amlig sa kadunaan; pagpalangga sa pungsod; bisan ano sa mga Kristiyano nga kabilinggan; pagpasanyog kang paghidaet kag paghiriusa; bugal-Antiqueño; kapisan kag pagkamabinuligun; ikaayong-lawas.
4. Ang sang ka pasakup sa sugidanun pambata dapat koleksyon kang lima (5) ka bilog nga mga sugidanun pambata kon sa diin ang kada sara may mabaskug kag masin-aw nga leksyon moral nga makabulig sa pagpasad kang mga mayad kag pangunahun nga mga kabilinggan. Ang koleksyon dapat may pangkabilogan nga titulo. Ang kada sugidanun sa koleksyon dapat indi magsobra sa 900 ka tinaga gamit ang Microsoft word count.
5. Ang sang ka pasakup sa binalaybay dapat koleksyon kang pulo (10) ka bilog nga mga binalaybay kon sa diin ang kada sara dapat indi magkubus sa pulo ka linya. Ginapakamayad nga ang bilog nga koleksyon may ginasunod nga tema.
6. Ang sang ka pasakup sa nobeleta dapat sang ka bug-os nga nobeleta nga dapat indi magkubus sa 8,000 ka tinaga gamit ang Microsoft word count. Ang manunulat sarang maggamit kang bisan ano nga tema pananglit ang tag-organisa nagareserba kang kinamatarung nga magdiskwalipika kang mga materyales nga subersibo, ukon nagasakdag kang gyera, diskriminasyon sa rasa, relihiyon, sex & gender, kag historical revisionism.
7. Ang tanan nga kopya kang pasakup dapat wara it pagkilalhan kang manunulat magluwas sa bansag-panulat (pen-name) nga mismong manunulat ang nagpili;
8. Ang tatlo ka kopya kang pasakup dapat nakasulud sa sangka sobre-manila nga nalakipan kang sang ka selyado nga letter-sized nga sobre kon sa diin nakasulud ang pagkilalhan kang manunulat: bilog nga ngaran, adres kag contact number. Ang sobre kang pagkilalhan dapat naka-label sa guwa kang titulo kang koleksyon kang pasakup; Ang sobre-manila dapat naka-address sa:
The Secretariat / Bantugan sa Panulatan Kinaray-a / Research, Planning & Development Office / St. Anthony’s College / Gen. Fullon St. / Brgy. San Angel / San Jose de Buenavista / 5700 Antique / Philippines
Ang mga pamangkot bahin sa paindis-indis sarang i-mensahe sa Facebook Page kang Bantugan sa Panulatan Kinaray-a.
9. Ang premyo sa mga magdaug: P7,000.00 kag sertipiko sa Una nga Padya; P5,000 kag sertipiko sa Pangarwa nga Padya; P3,000 kag sertipiko sa Pangatlo nga Padya.
10. Ang pamat-od kang mga hurado sa kon sin-o ang nagdaug indi run maligwat.

Halin ang litrato sa FB page kang Diocesan Commission on Mass Media and Social Communication – Antique.
Rugya ang bersyon sa English: Bantugan-Mechanics
Binalaybay ni R. Lampasa alyas Bebe Lab
Binalaybay ni R. Lampasa alyas Bebe Lab
Ang akun dughan napung-aw
sa Pamilya, sa mga pakaisa, kag sa mga barkada.
Mata ko galumaw-lumaw sa pagluru-lantaw
kon daad rugto ako, anda kaimaw.
pareho na lang kon indi ‘kaw kamaan
Wara’t mahimo – kapung-aw agwantahun para makatipon;
buwas damlag kang mga libayun ang sa paminsaron.
Litrato kang Semana: Sa Parayan kang Nueva Ecija

SIYUDAD KANG SAN JOSE, NUEVA ECIJA. Naimbitahan ako kang manunulat nga si Wilfredo Pascual, awtor kang Kilometer Zero, nga mangin panelist sa 3rd Nueva Ecija Personal Essay Writing Workshop kang Peb. 28-Marso 3. Organiko sa desinyo kang writing workshop ang pagkilala man kang lugar.
Isara sa mga aktibidad ang pagbisita sa sementeryo kag irigasyon. Naimaw ako sa grupo nga nag-agto sa irigasyon. Parayan ang amon gintup-an. Rugya sa diin may mga eksena sa klasiko nga pelikula nga “Tinimbang Ka Ngunit Kulang” kang kilala nga direktor, si Lino Brocka, nga tumandok man kang dyang lugar.
First time ko makalapak rugya sa Nueva Ecija, kilala nga “rice bowl” kang Pilipinas. Luwas kanday Brocka kag Pascual, duro pa ang naghalin rugya nga mga kilala nga tawo sa patag kang pagsulat. Parehas nanday anhing Lazaro Francisco kag Rogelio Sicat.
Pay dyang malapad nga parayan ang hapulas sa akon dughan samtang ginakurum ako kang duro nga mga pemensarun kag baratyagon nga indi ko pa lubus mapautwas. Parehas kang bangag – ang kamara kang lupa kag nagabitak-bitak nga parayan; ang kaiwat kang tubig; ang kamahal kang bugas kag presyo kang baraklun samtang kabarato kang paray; ang bag-o nga Rice Tarrification Law nga laban lamang makapalapad kang kinatuhay kang mga maysarang kag imol.
Sa makita ninyo sa litrato, may mga naglupad nga pispis sa akon paglaaw sa parayan halin sa karsada. Kon daad sarang makasunod sa andang paglupad-lupad. Daad gid, may mga kahoy pa sanda nga mahapunan sa kabukidan kang Sierra Madre.
Pátok (The Mountain Carvers): Documentary Film as Necessary, Urgent Intervention

PATOK The Mountain Carvers (Click to view Trailer)
Pátok (The Mountain Carvers): Documentary Film as Necessary, Urgent Intervention
PÁTOK (The Mountain Carvers) is the 2019 documentary film of Emmanuel “Emman” Lerona of Iloilo. It features the community of farmers, the mountain-barangay of General Fullon in San Remegio, Antique in Panay Island, identified as Indigenous People (IP)and named Irayon Bukidnon by the National Commission on Indigenous People (NCIP). Lerona co-produced it with the Division of Humanities – University of the Philippines Visayas in Miag-ao, Iloilo, with funding from the National Commission for Culture & the Arts (NCCA) and the Commission on Higher Education (CHED).
It opens with a note of “rediscovery” of this community in 2015, a narrative trope reminiscent of colonial, early anthropological and travel writings. (This led to the brand/ing “Antique Rice Terraces” upon landing in a national television show, and since then, as tourism destination in the province).We then hear the incantation of the surwano (healer), also called maaram, the wise one chosen and blessed by the ancestors, mga saragudon (spirit guides) and mga taglugar (resident spirits). He is Jun Bayog, bearer of tradition, leader in keeping balance and harmony between the physical and the spiritual worlds. Thus this ritual involving a pig, gesture of respect and care for these spirits residing in the different corners (i.e. river, old tree, hill). In close up, long, and full shots, Lerona and Team allowed breathing spaces for the landscape to speak. The rice terraces: character, setting, theme, and tone.
What I appreciate most is the perspective adopted by Lerona. It is not about him or his “rediscovery.” The documentary unfolds as a gathering. A polyphony. At the heart, the elders in their verbal eloquence of remembered poetry and songs, traditional farming rituals and practices, and retelling of lived-experiences. The young ones are in conversation, expressing continuity for the needed survival. To clarify and elaborate on issues such as the business of naming and its importance, we get to listen to local historians, scholars, community leaders, cultural and development workers. The documentary educates without being prescriptive. There’s ambivalence and openness in transition and progression. And how do you end something as grand and complex as this? Lerona utilized intertextuality. I must say a perfect choice of OKM (Original Kinaray-a Music) in Dante Beriong’s original and popular “Mauli Gid Ako sa Antique.” Here, rearranged and sung by Neil Cortez. Beyond visuals, the documentary is an aural experience.
I am glad it is not sentimental. At least for me. Even with the prevalence of “katu”, a reference to the good, old days. Affective, yes – which is good. Because generative: of remembering, meaning-making, dreaming of possibilities. Lines and dialogues are organic – they are memorable and convincing. But I don’t want to be a spoiler: go, catch this on May 1, 10 a.m. at Robinson’s, Antique.
Lerona and Team are competent, sincere, sensitive. I am glad, too, that UPV-Division of Humanities leads the documentation and dissemmination of our rich resources in the region.

BUKAS RUN KAG LIBRE: KAHIRUPAN BANTUGAN SA PAGSULAT SA KINARAY-A (Bantugan Writing Fellowship)
Bakit Ako Nanood, O Ang mga Entablado ng mga Dula ng Virgin Labfest 15: Titibok-tibok

BAKIT AKO NANOOD ng Virgin Labfest 15: Titibok-Tibok?
Bumili ako ng Festival Pass para sa unang linggo na bumukas noong Hunyo 19 at magsasara sa Hulyo 7 sa Cultural Center of the Philippines. Taon-taon naman ako nanonood ng VLF. Pero espesyal ang taong ito. Una, may play sina Ryan Machado at J. Dennis Teodosio. Kapwa ko sila unang nakilala ng personal at nakasalamuha nitong huling linggo ng Pebrero sa San Jose, Nueva Ecija City sa Personal Essay Writing Workshop ni Wilfredo Pascual. Maliban sa magaling silang manunulat, mabubuti silang tao. Pangalawa, dahil nakapagsulat uli ako ng one-act play nito lang – “Ang Projector ni Ma’am,” pagkatapos ng “Bomba” noong isang taon. Pareho commissioned ng Harlequin Theater Guild ng De La Salle University. Nag-enjoy ako sa danas ko ng pagsulat ng dula, at sa buong proseso ng kolaborasyon. Mas ramdam ko ngayon ang uhaw na higit pang matuto.
“Think of stage,” ito ang sabi ni Em Mendez, kaibigan at premyadong mandudula, na biggest take away niya sa mentor niyang si Vic Torres. Nasa isang coffee shop kami noon, 2015, inihahanda namin ang aming entry sa VLF, ang “Ang Nanay Kong Ex-NPA”, na luckily, natanggap. Naalala ko ito dahil ito ang pinaka-challenge ko: paano i-desinyo ang naratibo sa istruktura ng one-act play, saan, “every line is an argument” (ito ang pinaniniwalaaan ko, mula sa isang nabasa, at ang tipo ng mga dula na nagugustuhan ko) para ma-reveal at intensify ang conflict, tungo sa satisfying na resolution. Hindi ko pa tinuturing ang sarili bilang playwright. Aspiring, oo. Nasa tula at pagkukuwento ang training ko, bagama’t naging aktibo rin ako sa community theater sa probinsya namin sa Antique bilang organizer at director, at naging member-officer ng Experimental Theater ng UPV sa Miag-ao, Iloilo.
Kaya naging atensyon ko sa VLF 15 ang pagsipat sa paglapat para sa entablado ng naratibo. Oo, collaborative ang teatro – nariyan ang direktor, mga actor, stage designer, at iba pa – para sa kani-kanilang pagpapakahulugan sa pag-atake sa dula ngunit ang mga pahina ng dula mismo ay dapat naglalaman ng integridad nito sa kung ano’ng visyon mayroon ang mandudula. Sa pagbabasa pa lamang, may pagtatagpo na sa isipan sa posibleng artikulasyon nito sa entablado. Kaya sa higit 200 na nagpasa ngayong taon, silang 12 ang napili (isa lang ito sa mga posibleng factor; hindi ako privy sa selection criteria).
Paano inisip ng mandudula ang entablado?
Nag-enjoy ako sa lahat.
For my agenda, narito ang seleksyon:
Sa SET A, isang hukay sa bundok ang entablado sa “Isang Gabing ang Buwan ay Hila-Hila ng Gula-Gulanit na Ulap” ni Ryan Machado. Oras: Kalagitnaan ng gabi. Panahon: Kasalukuyan. Mga Tauhan: Dalawang lalaki. Ano ang mga kuwento na malalaman natin sa paghuhukay sa bundok ng dalawang lalaki sa gitna ng gabi? Clever para sa akin ang naisip na ito ni Ryan para mailahad ang mga napapanahong kuwento sa kanayunan. Thriller ang usad ng mga linya at eksena; hindi “drama” tulad ng inaasahan ko dahil sa senti na tono ng pamagat. Mahusay ang direksyon ni Paolo O’Hara at ang pagganap nina Ybes Bagadiong at Heber O’Hara.

Sa SET B, what a relief from poverty porn na nasa loob ng isang condo unit ang naratibong OFW sa “Anak Ka Ng” ni U Z Eliserio. Direksyon ni Maynard Manansala. Pagtutuos man sa pagitan ng mag-ina na mahusay na ginampanan nina Skyzx Labastilla at Krystle Valentino, naka-move on na ito sa drama nina Vilma Santos at Claudine Barreto sa pelikulang “Anak” (2000), much more sa sentimiento ng “Anak” ni Freddie Aguilar.
Nag-enjoy din ako sa “Wanted: Male Boarders” ni Rick Patriarca. May defamiliarization effect ang direksyon ni George de Jesus III. Obviously, sa loob ng isang boarding house. Kaya effective na na-advance ang diskurso ng homophobia at sexual fluidity. More than these, para sa akin, kuwento ito ng intimacies. Napakahusay ni Lance Reblando bilang ang “enigmatic board mate.”

Naisip ko ang Netflix series na Black Mirror sa “The Bride and the Bachelor” ni Dingdong Novenario sa SET C. Non-linear, multi-dimensional treatment ng isang karaniwang kuwento: Paano kung 10 years na kayo pero wala pa ring proposal? Pagtutuos ito ng mag-ex sa araw ng kasal ni girl. Malalaman natin ang kanilang kuwento sa loob ng isang condo unit. Interesting sa kanyang hyperreal element: may time travel at epektibong naipasok ang things pop and digital. Direksyon ni Topper Fabregas.
Nasa loob din ng condo unit ang setting ng “Surrogare” ni J. Dennis Teodosio. Direksyon ni Roobak Valle. Anniversary dinner ng “fantabulous relationship for almost seven years” ng gay couple Adam & Eve. Perfect set-up for a conflict. Here comes another character named Ana. Kaya naging riot at na-advance ang diskurso tungkol sa mga pagsubok ng gay couple na gustong magka-pamilya, o maging pamilya. Is three a crowd? Or it takes three to raise a child? Makinis na desinyo.

Kaya naman pala nasa panghuli, SET D ang tatlong ito:
Isang home for the elderlies ang entablado sa “Ang Pag-uulyanin ni Olivia Mendoza” ni Rolin Migyuel Obina. Direksyon ni Phil Noble. Engaging ang dula hindi lamang dahil sa buhay ng mga matatanda ang inilalahad kundi ng isang matandang bakla na nagpa-sex transplant. Riot din, lalo pa’t all-star cast: ang favorite VLF couple na sina Edna Vida at Nonoy Froilan, Celeste Legazpi, Crispin Pineda, at ang pinakagusto ko kahit minor character lang ang ginampanan niya, ang artista sa TV at film na si Erlinda Villalobos.
Sa loob ng isang bahay sa isla ang entablado ng “Larong Demonyo” ni Nick Pichay. Isang retired general na may kinalaman sa Martial Law at isang binatang nag-a-apply ng trabaho ang mga tauhan. Sa direksyon ni Jose Estrella at mahusay na pagganap nina Leo Rialp at Johnny Maglinao. Intriguing: political thriller wrapped in domestic intimacy.

Monologue ang “Wala Nang Bata Dito” ni Sari Saysay. Pinaka-payak din ang entablado: isang silid na bahay ng magpamilyang mangingisda. Nagtutupi ng bagong laba na mga damit ang tauhang nanay. Mahusay na ginampanan ito ni Venise Buenaflor. Direksyon ni Tanya Lopez. Nahanap ng laman ang porma sa pagkukuwento kung ano ang nangyayari sa kabataan at kababaihan sa mga komunidad kapag kakaunti o halos wala nang maiuuwing isda ang mga tatay. Ang tensyon ay sa kung makukuha ba ng mga pulis sa gabing ito ang anak, na pinaghahandaan ng ina ng baong damit; basta na lang ba ibibigay niya ang kanyang anak? Ang pagtutupi bilang akto at panahon ng pagpo-proseso ng ina ng kanyang kaisipan at damdamin, kaya ang hallucinatory moments na maghahanda sa mga manonood sa isang lohikal na katapusan.
Magaan ang kabuuan kong panonood, lalo na’t hindi pa umuulan noong isang linggo.
At may nakita akong entablado para sa isa kong kuwento.
Ang Kahirupan Bantugan sa Pagsulat sa Kinaray-a Bilang Pagpadayon, Kag ang Bukid Aliwliw & Suba kang Dao sa Akon Pensar

KAHIRUPAN 2019 kang mga Manunulat nga Antikenyo, Manunulat nga Kinaray-a sa Bantugan Panulatan Kinaray-a | Agosto 25, 2019 | San Pedro, San Jose, Antique |Halin sa Wala: Francis Pinggoy, Diana Lampasa, Cheska Copias, Genaro Gojo Cruz, John Iremil Teodoro, Genevieve Asenjo, Jelyn Alentajan, Jose Edison Tondares, Meg Gindap. Sa Likod Halin sa Wala: Reyson Samulde, Franz Garrion, Rommil Magdato, Kenred Alentajan, Billy June Alvarez, Danny Misajon, Julbert Paloma, Macky Torrechilla, kag Marvin Casalan. Litrato: Cor Marie Abando
Ang KAHIRUPAN BANTUGAN SA PAGSULAT SA KINARAY-A Bilang Pagpadayon, Kag ang Bukid Aliwliw & Suba kang Dao sa Akon Pensar
NAKAHIG sa binit ang aton tumandok nga mga pulong sa malawid nga istorya kang pangginahum kang mga pangayaw sa aton pungsod. Daw parehas bala ka paryente naton nga taga-bukid. Madulhog-tukad pa, subay sa suba antes makatamwa para sa habal-habal ukon traysikul pasulod sa baryo hasta pa-banwa. Sa kada agto sa inyo balay, mangalihid, rugto sa gawang sa kusina masulod. Hay mayha maglubas sa mayor nga gawang. Bisan pa, ukon ilabi na gid gani, kon may bitbit nga bulig kang saging, manok Bisaya, kamote, kag kon ano pa sa saku.
NANGIN amo kadya ang Kinaray-a. Pulong kang mga buki(taga-bukid) sa panan-awan kang mga taga-banwa kag siyudad, ang sentro kang komersyo, nga buut pa hambalon, sa diin saku ang bayluhanay kang mga produkto halin sa nagkalain-lain nga lugar. Kag man-an naton nga sa dyang pagsinarayo, bukon lang mga produkto ang nagakitaay-bayluhanay kundi mga pulong man kag kultura: pamensaron kag pagginawi. Kon amo, kon pirme ikaw sa merkado (hal. kadya ang mall), mas may pinanilagan ikaw. May pangkalibutan sa kalibutan. Te kon rayu timo kag wara pa it paramasahe, mas na-preserba mo ang imong pagka-tumandok. Hal. sa imong panghambal nga daw gabinalaybay kag gahurubaton. Sa mga saut kag kanta kag duro nga istorya kang kamal-aman kag ginahutik kanimo kang palibot. Sa pag-abot kang panahon nga naka-biyahe ikaw sa bahul nga banwa hasta sa syudad, amo dya kang nasapwan mo ang kaugalingon nga buki. Kag namayha ikaw sa imong kaugalingon kag ginhalinan: sa taramnan, sa suba, sa mga bagay nga naangut sa lupa – sa paghambal sa Kinaray-a.
ISARA lang dya sa aton trauma. Tuod dya para sa tanan nga tumandok nga pulong (mother tongue) sa Filipinas kag sa mga rehiyon sa bilog nga kalibutan nga ginkolonisa kang mga Espanyol, British, French, Dutch, kag Amerikano. Pero buhi ang tinaga. Kon amo, nagabag-o. Sa padayon nga pagkiritaay-samo kang mga grupo kang tawo bangod sa kolonisasyon-rebolusyon hasta sa pagbalay kang mga moderno kag hilway (kuno) nga mga nasyon pagkatapos kang Ikarwa nga Giyera Pangkalibutan (WWII) – post 1945 – dungan sa pag-ugwad kang siyensya kag teknolohiya, nangin madali kag madasig ang pagbayluhanay. Nabun-ag ang duro nga bag-o nga mga pulong; hybrid – daw kambang nga kanding: ang American English abi nga natun-an naton kag ang mga bata na kadya parehas ka aton Filipino English hasta sa Taglish; ang Singlish kang Singapore halin sa British English, kag ang Creole nga kambang nga French ukon kang iba pa nga pulong sa Europa nga nangin pulong kang mga itum nga tawo nga nangin uripon nanda, ilabi na sa Caribbean.
BANGOD rugya, kag sa indi mapunggan nga padayon nga pagkiritaay-bungguanay kang mga kultura, wara run it puraw nga pulong (Sa Ingles, may World Englishes run. Indi ikaw maghinambog nga sagad ikaw rugya mag-Ingles hay posible gid nga pag-agto mo sa New York City ukon sa Tokyo ukon sa Paris, indi man kamo lagi mag-intindihanay.). Luwas lang – siguro – sa mga tumandok nga komunidad nga rugto sa putok-putukan ka mga bukid. Amo nga kon kauna buki sanda, abaw kadya, duro ang gusto mag-agto para makita sanda, matun-an, mahimuan ka dokumentaryo-pelikula — mapakilala sa mas malapad nga kalibutan ukon makuwartahan. Parehas lang man dya sa kaso kang mga lusong kag hal-o, baul – sa mga bagay kag butang nga kinauna – nga kadya mahal run kag ginabansagan nga vintage, heritage, heirloom. Hay, galaway ako mamensar kang ginataan nga igi sa gabi.
[Rugya ang linagpang nga manok Bisaya nga ginraha-pakita kanamon ni Dondon Alera.]



PERO hay buhay run may radyo. Kag paano mo mapunggan ang mga bata sa pagdulhog pa-banwa-pa-syudad? Labaw sa tanan, kon gin-agaw kauna kang mga prayle ang mga lupa kag suba kang tumandok, hasta man kadya kang mga “developer” nga gobyerno pa mismo ang nagatigayon. Amo nga ginapahalin sanda. Ginapatay. Militarisasyon para masudlan kang mga negosyo nga foreign-funded. Bakwit ang imahen kang duro nga mga tumandok kanatun. Te, kon wara run ikaw sa imong lupa kag kasiringan, ano pa ang imong pangkalibutan? Makasug-alaw ikaw kang mga bag-o nga tinaga. Matuon kang bag-o nga pulong para sa imong kabuhi. Sa panahon kag padayon nga pakigsimpon, ang pagkalipat. Ilabi na kon hina imong buut kag traumatic ang imong mga inagihan angot sa pulong, sa imong etnisidad kag identidad.
AMO nga ang pagsulat sa Kinaray-a sangka pagbulong kang aton kaugalingon sa mga paghikay kag pagpauripon nga aton ginaagyan, indi lamang sa mga pangayaw kundi sa mga pareho mismo naton nga Filipino.
NASUG-ALAW ko si David Grossman, manunulat nga Israeli. Hebrew anang tumandok nga pulong. Sa dyang pulong tana gasulat. Nalubad sa Ingles ang anang nobela amo nga nabasa ko bilang The Book of Intimate Grammar(1991). Ang anang bida nga tin-edyer, si Aron Kleinfeld, lider sa andang barkada sa imol nga bahin kang Jerusalem diin duro man nagtiriripon nga mga bakwit halin sa Eastern Europe bangod sa giyera kag pagkabaw-ing ka andang lupa. Bakwit halin sa Poland anang tatay. Rugya sa Jerusalem, nagaaway man ang Israel kag Palestine. Ang pagkaguba sa bilog nga palibot ni Aron. Kag si Aron, kon sa aton pa, pitlaun kag arikutoy nga bata. Ano nga kasakit ang mabuhi bilang si Aron Kleinfeld! Amo nga naghimo tana ka kaugalingon nga kaluwasan. Kag dya, wara it iba, kundi sa pulong. Kada adlaw, nagatipon tana ka mga tinaga nga Hebrew. Naghimo tana ka “hospital of sick words”. Ang pagdumdom rugya bilang pagbulong kadyang mga Hebrew nga tinaga mismo, nga nagakadura run bangod sa globalisasyon kag patarasak nga paggamit rugya kang mass media. Sa amo nga paagi, ginapaayad na man anang kaugalingon: nalibon tana sa dyang kalibutan, nga masubu man, nangin darangpan na sa magamo kag mapintas nga palibot.
“PAGBULALO,” hambal ni Nay Thelma, 62, kang Bari, Sibalom. Amo dya ang Kinaray-a sa glazing ukon pagpahining kang nadihon nga kalan, koron, misetera, ukon ano pa man nga na-pagba: ang pagraha kang naporma nga lupa sa sulod kang isara kag tunga sa oras.
“ALIPARUK,” hambal ni Ed, sa galupad nga pisik kang kalayo. Si Ed amo si Jose Edison Tondares, sagad nga manunulat naton sa Kinaray-a kag nagapamuno kadya kang Research, Planning & Development Office kang Saint Anthony’s College (SAC). Sa kasiringan kami kang hirimuan kang binangon sa Brgy. Odiongan, una nga baryo kang Sibalom halin sa San Jose. Panday puthaw tawag pa rugya ni Ed. Si Manong Barnie Emanel ang manug-binangon nga nagpakita kanamon kang proseso sa kon paano ginabaylo kang kalayo kag pagpukpok kang maso ang mga napurot nga tingga, metal, salsalon, para mangin lantip, karit, kutsiyo, talibong, kag duro pa.
DARWA dya sa mga aktibidad kang Bantugan sa Panulatan Kinaray-a, kahirupan (fellowship) kang mga manunulat sa Kinaray-a para sa pagpadayon pagsulat. Sa pagbisita sa parehas kadya nga mga lugar diin padayon ginabuhi ang aton tumandok nga kinaiya sa parangabuhian (gabalik kadya, kag ginatawag nanda nga artisan/artisanal nga buut hambalon, himo sa/kang mga alima parehas kang pagburda, panahi, tubok, kag mahal dya sa mga shop nga gabaligya), nakasulod kami sa tabungos ka amon utok ka bag-o nga mga tinaga. Parehas kay Aron Kleinfeld, mahuptan namon sa amon panulatan. Sa pagbasa ninyo, mapasa sa mga sunod nga henerasyon.
MADINALAG-UN nga nahiwat ang Bantugan sa pagbuligay kang SAC, Dept. of Literature, College of Liberal Arts kang De La Salle University sa Manila, University of Antique (UA), Balay Sugidanun kag Kasingkasing Press katung Agosto 23-25, 2019 sa St. John Mary Vianney Pastoral Center sa Brgy. San Pedro, San Jose. Sa likod dya kang St. Peter’s Seminary kag ginadumara kang Orantes Sisters of the Assumption. Gabunuk ang uran sa samtang nagapamati sa mga lektyur sa pagsulat kang binalaybay, sugidanun, panaysayon (essay) kag sugidanun pangbata ang mga kahirup, ukon nagabayluhanay kang pagbasa kang nasumite nanda nga mga obra para dugang mapanami. Baidan ang Bantugan. Libre dya. Hasta sa namanit nga pagkaon halin aga hasta gabii. Amo man ang mga libro.



SALAMAT sa akon mga kaimaw. Kilalahon naton ang aton mga sagad kag maalwan nga manunulat sa Kinaray-a: John Iremil Teodoro, Jose Edison Tondares, Jelyn Alentajan. Amo man ang mga kahirup nga sanday Kendred Alentajan, Billy June Alvares, Marvin Casalan, Jubelea Cheska Copias, Franz Garrion, Meg Ann Gindap, Joery Hermoso, Diana Rose Lampasa, Rommil Magdato, Danny Misajon, Julbert Paloma, Mary Francis Pinggoy, James Rubino, Jr., Reyson Samulde, kag Macky Torrechilla. Nangin guest panelist kag lecturer ang bantog nga manunulat sa Filipino kang sugidanun pangbata kag manunudlo sa DLSU nga si Genaro Gojo Cruz.
MAY giya run kita sa pagsulat sa Kinaray-a. Dya ang Taramdan sa Lantipulong Kinaray-a kang SAC. Para sa dugang nga kaaram, sarang man mabisita ang pahina sa Facebook nga Ang Kalibutan Karay-a.
ANG kahirupan ginhiwat bilang pagpreparar sa mga bag-o nga henerasyon kang manunulat sa Ikarwa nga Bantugan sa Panulatan Kinaray-a. Bukas run dyang paindis-indis sa pagsulat kag ginahulat namon kamo.
RUGTO, rugya, sa hardin sa museo kang atun handumanan, handurawan, handum, ang hapulas kang mga tinaga parehas kang “palangga ko ikaw”. Amo man, kag bisan pa ang paghibi bangod daw nagbaliskad ang atay sa presyo kang paray kadya, kag ang uyug kang mga abaga indi lamang sa kasubu kundi ugut —- sa Kinaray-a labi mapautwas ang mga butang nga nagapabilin matuod kag marahalon kanaton.
SA BALAY namon sa bukid kang Dao, tupad gid namon ang Bukid Aliwliw. Galusut ang akun panuruk sa bintana, kamang sa taramnanan hasta magsaka sa atup ka mga balay nga gaurulhot sa banglid pasaka hasta sa nabilin gatindog nga radar sa Aliwliw. Duro ang istorya katung nagasindaraga ako parte rugya. Surulaton ko pa dya.

Ang ralantawun sa atubang ka amon balay kang tag-irinit. Sa rayu, ang Bukid Aliwliw. Litrato ni Pangga Gen
KAG ang Suba kang Dao tana bay? Ano nga mga istorya ang ginahuptan kadya?
Sakaun ko ang Bukid Aliwliw kag subayon ang Suba kang Dao, kaimaw kamo sa pensar kag dughan.
Sa gihapon,
Pangga Gen
“Ang Pag-ibig ni Sadyah” nina Mark Ellis Nofuente & Javi Malabanan
Ang Pag-Ibig ni Sadyah
(Adaptasyon ng Nobelang Lumbay ng Dila ni Genevieve L. Asenjo nina Mark Ellis Nofuente & Javi Malabanan ng PAREF Southridge para sa kahilingan ng kursong 21st Century Literature)
Stephen
Play: California King Bed – Rihanna
Maganda ang simula
Ngunit gaya ng ibang kuwento’y
Hindi nagtapos na pinagpala
Isang hilaw na relasyon
Para sa kutis hilaw na lalaki
Ang nabuo kasama ang isang guro
Na nahanap ang pag-ibig gamit ang teknolohiya
Isang pag-iibigang
Lahi ang nagdidikta
Ang isa’y kulay kayumanggi’t
Kabiyak nama’y sobra ang pagkasingkit
Na halata mo ang pagiging Intsik
Gaya nang pinagmulang bansa
Isang malaking dingding
Ang namamagitan sa kanila
Mas kilala bilang Great Wall of CHina
Na hanggang kama lang
At hindi sa altar ng simbahan
Malambing si Sadyah at Stephen sa isa’t isa
Lambing na nauuwi lang sa pagtatalik
Dahil tawag lang ng laman
Ang halos kabuuan ng kanilang pag-iibigan
Nagamitan man ng puso at isipan
Gayunman, kakaunti lamang
Nadiktahan din ang pagmamahalan
pati ng propesyon sa kaniyang kinabukasan
“Mawawalan ako ng trabaho.”
“Madi-disbar ako.
Na kahit hindi pa ganap na isang abogado
sa kaniyang bukas ay sobrang nabobobo
Matalino si Stephen
Na kahit ang pamilya ni Sadyah
Ay natandaan niya at nagawan pa ng Family Tree
Sa pamamagitan ng kanilang kuwentuhan
Ngunit tanga sa isang relasyon
Hanggang sa ungol lang sa kwarto
Ang kayang ibigay ng buo
Hindi ang kaniyang puso
Sa babaeng Filipino
Ishmael
Play: Love Me for What I Am – The Carpenters
Puso ang tunay na pinaiiral
Ngunit, ang kabiyak ay may ibang pinaglalaban
Aakalain mong isang tapat na Muslim
Na kahit ang dalagang Katolika’y dinala sa kanilang sambahan
May busilak na loob
Pagdating sa pamilya
Kahit ang kaniyang nobya
Dinala sa kanilang probinsya
At ipinakilala ang Cagsawa
Ngunit mainitin pala ang ulo
At palipat-lipat ng trabaho
Parang walang permanenteng posisyon sa mundo
At hindi makunte-kuntento
“Nagre-resign ito, bago pa man masisante”
Sa sobrang kalugmukan pa’y
Ang nobyang si Sadyah ay ninakawan
Perang ginamit pang-sugal
Gawaing tutol ang kaniyang Allah at Koran
Hindi rin nagtagal
Ipinakita ang kaniyang tunay na kulay
Naging mapanakit siya’t bayolente
“Bumangon ito at sinipa siya.”
Parang maihahambing sa mga kuwentong taga-Syria
Muslim at giyera
Bumangon ito at sinipa siya
Nag-iwan ng trauma ang mga pangyayari
Parang isang bangungot
Na nagdulot ng sobrang takot
Na baka paggising ni Sadyahng muli
Mga sugat at galos ang muli niyang makamit
Ngunit naging matapang siya
Sa kabila ng natitira pang pagmamahal
Na nahaluan na ng takot at pangamba
Si Ishmael ay naging nakaraan na
Priya
Play: American Boy – Estelle
Dahil sa isang insurance
Sila nagkakilala
At kahit isa mang Indiano
Bihasa siyang magsalita ng Ingles
Nagkayayaang mag-kape
Ngunit nauwi rin sa hapunan sa bahay
Naghanda ng pagkain si Sadyah
Na sadyang nakapagpaakit sa binata
Laging magkalayo sa isa’t isa
Dahil sa tawag ng trabaho
Tawag mula sa iba pang bansa
At tila ang nagdudugtong na lang sa kanila’y
Pagmamahalan at Yahoo Messenger
Subalit, nagplano silang magkita sa Thailand
Para mamasyal at magsama
At nagtalik pa katulad noong sa Kama Sutra
Pilit nilang pinaglalapit ang kanilang mundo
Na kahit ang Indiano’y
Pinipilit mag-Filipino
“Salamat, napakaganda mo”
Upang ipadama ang kaniyang pagmamahal sa dalaga
At maipakita ang higit na pagsisikap
Higit sa lahat
Malaya silang dalawa
Nagmamahalan kahit na si Sadyah ay Filipino
At ang katambal ay isang Indiano
Tila kay Priya lang may magandang kinabukasan
Kaysa sa naunang dalawang lalaki
Maganda ang trabaho’t kinikita
At walang isyu sa lahi’t relihiyon
Sa huli, si Priya ang nagwagi
Siya lang ang tunay na naipakilala
Sa pamilya ni Sadyah
At nagtapos ang kuwentong silang dalawa’y masaya’t kuntento
Magkasama hanggang dulo
Ipinadala ng mga may-akda sa manunulat at may consent ang pag-post dito.
“Nadumduman ni Tatay ang Anang Karbaw” ni Genevieve L. Asenjo
Nadumduman ni Tatay ang Anang Karbaw
Genevieve L. Asenjo
Bukon dya istorya para sa mga bata
bisan pa nabatian ka mga gamay nga hinablos
dyang istorya sa piyesta kang Dao:
“Indi run namon makita si Tatay pagkatapos kang misa,”
balita ka libayon.
Nagkitaay kami nga magburugto sa Facebook.
Nagauran sa Manila, nagainit sa Hague
kag ginasagap nanda si Tatay sa Antique
sa kakulba kag paglaum
nga nagsulod sa mga balay sa banwa,
nagkaun ka mga handa, nag-inom hasta
makalab-ot sa mga istorya parehas kang 8/kilo
nga presyo kang paray kadya, kag sa Negros
ginapatay ang mga mangunguma.
Mahimo nawali dya kang pari sa misa.
Mahimo man wara. Bisan pa, bukon lang dya mga istorya.
“Nadumduman na gali anang karbaw nga barangut,”
sunod nga balita kang libayon, kag daw nakauli lang man
kami tanan sa balay sa pagkahamtang nga rugto gali
sa taramnan si Tatay. Napanan-awan namon pati ang karbaw,
ang kanding sa banglid sa unahan, kag sa di-marayu, ang baka.
Sa likod-balay, ang baboy, kag ang mga manok nga galagaw-lagaw.
Wara run namon napamangkot kon ano anang ginsakyan pauli.
Ang importante, rugto run tana.
Sa edad nga 73, rilipaton dun si Tatay, kag nadumduman na
anang karbaw nga barangot nga ginlipatan na ang simbahan,
ang munisipyo, ang plaza, ang punsyon,
pati sanday Nanay.
Gusto ko patihan nga pag-ulikid ang pagdumdom,
amo man ang paglipat
kag rugto sa baryo, sa taramnan sa anang lupa,
sa anang karbaw, may mangunguma nga amon Tatay:
hilway sa pareho nga padya kag sumpa kang panahon.
Lektyur sa Nobelang Margosatubig ng Ilonggong Pambansang Alagad ng Sining Ramon Muzones at Paglulunsad ng taga_uma@manila ni Genevieve L. Asenjo sa Iloilo Mega BookFair
MAY LEKTYUR AT PAGLULUNSAD NG LIBRO si Pangga Gen sa gaganaping Iloilo Mega BookFair (IMBF) sa Nobyembre 8-11, 2019 sa Festive Walk Iloilo!

Alfredo E. Litiatco Professorial Chair in Literature & Bonifacio P. Sibayan Professorial Chair in Applied Linguistics | Dept. of Literature | De La Salle University |AY 2018-2019
Abstrak: Ano ang pagbabasa ngayon sa gitna ng visual spectacle ng 24/7 media industry? Isang maiksing kasaysayan ang lektyur ng pagbabasa ng Margosatubig, serial na nobela noong 1946 na tumagal ng 30 linggo at pumalo ng 37,000 sa sirkulasyon ng Yuhum Magazine. Ito ang pinakasikat na nobela ni Ramon Muzones (March 20, 1913 – Aug. 17, 1992), maging sa kasaysayan ng ika-20 siglo ng panitikang Hiligaynon. Nadeklara si Muzones bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan nitong 2018. Bunga ito ng iskolarsyip ni Dr. Ma. Cecilia Locsin-Nava (History and Society in the Novels of Ramon Muzones, ADMU Press, 2001) at pagsasalin nito ng nobela sa Ingles – Margosatubig: The Story of Salagunting [ADMU Press, 2012]).
Bilang pakikipag-usap at argumento, naghahain ang lektyur ng isang metodo: ang pagbasa sa nobela bilang retrofuture, o isang nostalgia sa paparating na panahon o bukas.
Para sa pagbili ng tiket at kabuuang programa, mag-klik rito:
Maaari ring mag-email sa kasingkasingpress@gmail.com.
Kitaay kita!
Nahanungod sa Mga Laragway halin sa Paraiso ni Jose Edison C. Tondares
Nahangunod sa Mga Laragway halin sa Paraiso ni Jose Edison C. Tondares [Kasingkasing Press, 2019]
NABATON ko sa email, sangka PDF, ang Mga Laragway halin sa Paraiso, una nga koleksyon kang mga binalaybay sa Kinaray-a nga nalubad sa Ingles ni Jose Edison C. Tondares kang San Jose, Antique. Sa Memoire Siem Reap Hotel ako sa Cambodia. Pangarwa nga Lunes kang Oktubre. Nangguba run si Hagibis sa Japan. Nakapangamuyo run ako sa mga guba sa mga templo kang Angkor Wat. Sa dyang aga kang Lunes, ginapamensar ko run ang mga obra nga gahulat kanakun sa Manila.
KAG nag-abot dyang mga binalaybay ni Ed. Sa akun pensar, nagapanawag run ako kaninyo: “Dali kamo, mga kasimanwa, alaw-alawun natun!” Daw sa nagaporutikal lang ako sa pag-istorya nga ang atun mga kaingod nga Buddhist sa Southeast Asia, halimbawa ang mga Balinese, Thai, kag kadya, ang mga Cambodian, padayon nagapanguyang sa andang mga kamal-aman. Nakita ko dyang tumpok kang mga insenso, bulak, pagkaun, sa kilid kang ginlatayan ko nga mga kahon paagto sa akun bungalow sa sangka hotel sa Bali, Indonesia, kang nagligad nga tag-irinit. Hasta sa duro pa nga kilid kag atubangan kang mga restawran, shop, hotel sa bilog nga isla. Amo man sa hotel ko sa Phom Penh, kag rugya sa Siem Reap kadya. Ilabi na sa mga templo. Sa akun pensar, nagakuob ako pagkatapos ko mabasa dyang mga binalaybay; takup ang mga alima sa dughan, sangka saludo kay Ed.
ANG binalaybay bilang pangamuyo. Bangud rugya ang himpit natun nga pagdumdum kang mga butang nga rapit kanatun, tuduk sa tagipusuon, nga mahimo, sa duro nga mga nagakaratabo, sa adlaw-adlaw nga kasaku, ukon sa ano pa man nga rason para malipat ukon hungod nga ginalipatan, nabilin sa pinakadalum nga bahin kang atun utok. Kag wara lang nagadumdum, wara lang nagahanduraw dyang koleksyon kundi nagadamgo. Nagatapos halimbawa ang binalaybay nga “text sa panahon kang paghigugma” sa dyang mga linya:
rugya nagapangalihid ako
sa tatlo ka dulunan
kang pamilyar,
tunaw nga distansya
kag posibilidad
kang paranawun
sa tunga natun.
LIRIKAL ang mga binalaybay sa Mga Laragway halin sa Paraiso. Ria balang nagakanta nga mga linya. Halimbawa, sa “Marapait”:
Nagakudug ako
Sa tandug
Kang imong mga tudlo
Nga nagadamgo
Kang kalayo.
PERO hay bukun hugot, bukun emo, bukun drama. Buot pa hambalun, wara nagawawaw. May emotional maturity.
SA amo nga rason siguro nga wara nahadluk dyang koleksyon nga sige, magsunod lamang sa ilig kang mga tinaga: kun ano ang pitik sa pensar, amo ang tupa sa pahina. Kalabanan kang mga binalaybay rugya naga-istorya, may istorya. Narrative poetry. Prose poetry. Isara ang “Paghulat kay Hamad” diin ang persona ukun ang nagahambal sa binalaybay nagaistorya kang ana inagyan sa sangka placement agency sa Ermita sa Manila. Wara run it pagpanago sa simbolo ukun metapora, klaro kag diretso ang sitwasyon nga ginalaragway, hasta dar-un kita sa katapusan nga mga linya nga nagapanggus-ab: liwan kita makabatyag.
KAG liwan man naton mapensar ang duro nga mga butang. Halimbawa: kamusta ang atun mga bugto, paryente, kasimanwa nga OFW? Kamusta ang atun mga suba kag minuro? Ukun parehas man kang sangka binalaybay rugya, may pamangkot kita nga “Pangumahun mo pa bala ang taramnan, Totong?”
SA sulud kang sobra lima ka oras nga biyahe sa kotse halin sa Siem Reap pabalik sa airport sa Phom Penh, nag-abot kanakun dyang paghangup: ginpasulabi ni Ed dyang binalaybay, “ Mga Laragway halin sa Paraiso” bilang titulo kadyang koleksyon indi bangud sa romantiko nga rason kang “walo ka oras nga bagtas” sa pagpanglugayawan pa-Dalagsaan, ukon sa nabilin nga mga kaanyag kag manggad sa palibot kadyang lugar kundi bangud para matay-ug kita sa atun ginahamtangan [pisikal nga lugar kag estado sa kabuhi] sa kahimtangan kadyang “Paraiso.”
SA paghugpa kang eroplano sa Manila, nahamtang sa akun pensar dyang mga dinalan, sangka pagsaulog sa pag-abot run kadyang libro ni Edison:
Rugya sa Mga Laragway halin sa Paraiso ang arkipelago, ang kalibutan: mga suba, uma, disyerto, karsada, halintang kang hagdan nga kawayan, hulot, “nga nagabukas sa mga gawang sa kasanagun.” Rugya ang panahon: dulunan kang tag-urugbos, malawid nga mga paskwa, bulan kang mga tumandok, pag-abot kang bagyo, pagdamgo kag pagdumdom sa panit. Nagabinalaybay si Jose Edison C. Tondares sa maninina, kulapnit, bakunawa, amo man kay Ms. Universe Catriona Gray. Bangod dyang anang una nga koleksyon —–ginhulat sa malawid —–kag nag-abot kadyang tag-arani, pasidungog sa mga kinaiya kang Kinaray-a. Rugya ang pag-ampo sa dumaan nga mga tinaga kag pagpati nga “ang lupa lamang nga kana nagtago/ang makahangup.” Amo dya ang Paraiso nga ginahalad kanatun tukibun ni J.E.Tondares. Giya ang pulong nga Kinaray-a, ginapaambit na dyang mga laragway – asul kang langit — para makapamati kita liwan sa tubig, madumduman ang mga manog-asin, kag makabatyag sa kasisidmon para sa mga bag-ong damgo diin iririmaw kita nagakayad sa masulug nga suba: sa aton karamig, labi ang aton kabalaka sa isara kag isara.
–Genevieve L. Asenjo
Manunulat sa Kinaray-a
Full Professor & Chair, Dept. of Literature, De La Salle University
Pasakup run! 5 ka Padya sa Bantugan sa Panulatan Kinaray-a 2
Binalaybay ni Marvin Ybañez

Binalaybay ni Marvin Ybañez sa okasyon kang AMBIT Christmas Outreach sa Maatop, Hinoba-an, Negros Occidental kang Disyembre 1-2, 2019.
Antis nakon umpisahan ining akon binalaybay
nga magatagus sa inyo kaunod-unuran
pabatia danay ako sang matagsing ninyo nga palakpak
may kahagugma man ukon wala, kag gintalikdan.
Disyembre na naman, ang kabugnaw aton na nabatyagan
kabugnaw, ang rason kon ngaa naghakus sia sa iban,
nga kon akon madumduman, kay nagadulom ang tanan
nga ang pagpalangga ko wala nia nabatyagan.
Kag ako naglagaw agud ako malingaw
ako nakakita sang bata nga perti ka hugaw
kag akon nga nabatyagan nga kaluoy man sang kabataan
nga gaistar sa malayo nga kabukiran.
Dayon akon nasiplatan ining Ambit Volunteers
gasakay sa rescue truck sang Hinobaan
kag ako nasandad sa kamatuoran
nga ang gugma ara sa tanan,
paagi sa pagbulig sa mga pigado man
nga isa ka buluhaton nga malipay ka man
pinaagi sa pagbulig sa kabataan.
Imo madumduman ang imo mga naagyan
nga indi hapos mangabugi sa kabukiran
pero ining AMBIT ila nabatyagan
nga pinaagi sa outreach, nalipay gid ang ila ginkadtuan.
Sila naghatag sang hampangan sa kabataan
kag inyo tandaan nga hampanganan lang
ang ginahampangan
indi ang tagipusuon sang iban.
May pagkaon, bola, sapatos, bayo,
kag paghiguma nga ila gindala
sa lugar sang MAATOP nga tuman ka layo sa banwa
pero mas nalipay sila tungod nakabulig man sila.
Tapuson ko ini sa ining dinalan
nga aton tani mabatyagan
nga wala sa manggaranon ukon pigado
sa pagbulig sa tanan
kundi pamaagi sa gugma
nga gusto mo ipalapta.
Si Marvin Ybañez, sangka AMBIT scholar, Grade 11 sa Bilbao Uybico National High School sa Hinoba-an, Negros Occidental.

Halin ang mga litrato sa Facebook Page ni Pearl Joy Asenjo, volunteer kang AMBIT. Na-post nga may permiso.
Mga Nagustuhan Kong Libro ng 2019: Kulto ni Santiago(Cordero), The Next Great Tagalog Novel(Derain),Tiempo Muerto(Hau), Kung Ang Siyudad Ay Pag-ibig(Piocos)
Mga Nagustuhan Kong Libro ng 2019: Kulto ni Santiago(Cordero), The Next Great Tagalog Novel(Derain),Tiempo Muerto(Hau), Kung Ang Siyudad Ay Pag-ibig(Piocos)
Genevieve L. Asenjo
Sa Pagbabasa, Ngayon
Binago ng social media at Netflix ang aking reading habits. Na-unburden din ako nito sa melancholia ng libro. Samahan pa ng serye ng kalamidad at katotohanan ng climate change, wala na rin akong pagluluksa: sige, sa’yo na kung talagang gusto mo; tapos ko na basa, sa’yo na.
Short attention span: nagbabasa ako ng pisikal na libro, nakahiga sa sofa, maya-maya dadamputin ko ang iPhone sa tabi at mag-log in sa Facebook, hanggang sa IG, hanggang magka-visual fatigue, hanggang mapagod na at kulang na uli ang oras sa 24/7. Reading takes time, ika nga, and I make time, at sa iPhone na ako madalas nagbabasa.
Kaya malaking bagay itong marami akong nabasa ngayong 2019. Mga libro, at akda ng mga Filipino! [Nabasa ko rin, at subukang ikuwento sa ibang blog, ang Trick Mirror ni Jia Tolentino & Patron Saints of Nothingni Randy Ribay, mga Filipino-American; ang A Month in Siena ni Hisham Matar, at ang In the Dream House ni Carmen Maria Machado).
Marahil dahil maraming kakilala at kaibigang manunulat ang nakapaglabas ng libro nitong 2019. Yehey! At isinasa-praktika ang pagbati sa pagbili ng libro, isang akto ng simpatiya dahil sa bagal at dalang ng publikasyon sa bansa, at sa totoo lang, kakaunting publishing outlet para sa literary title kahit pa nariyan ang mga indie publishing.
15 ang Long List ko. Ikukuwento ko, sa ibang pagkakataon, ang mga ito. Sa ngayon, narito ang natatanging apat:
Kristian S. Cordero, Kulto ni Santiago: Mga Kuwento(The University of the Philippines Press)
Ito ang diyalogo ko sa sarili matapos mabasa ang librong ito: “Ito ang marvelous realism. Ito ‘yon; marvelous realism na hindi magical realism, kahit pa parang synonymous sila. Malinaw na marvelous realism ito. H’wag din i-confuse na dahil dito, e, postmodern na. No, this is not postmodern. Realismo itong Kulto ni Santiago kaya superior dahil hindi na niya kailangang mag-speculate the way speculative fiction is done here.”
Kung gusto ninyong makipag-argue sa akin, o sabihin nating “engage in conversation,” basahin ninyo ang libro at mag-skedyul tayo.
Ito ang naalala ko: “The story is the thing,” sabi ni Lydia Davis sa mga kuwento ng Mexican-American na si Lucia Berlin, ang A Manual for Cleaning Women(2015). Wala akong kiyeme sa pagsabing monumental ang koleksyon na ito dahil sa “the story is the thing” na organikong elemento rito, at kanyang integridad.
Grabedad din. Bayolente ang mga kuwento rito. Madalas, bata ang nagkukuwento, kaya epektibo. Dahil mga kuwento ito ng pagbabaklas, ng pagbabagong-anyo ng kanayunan at isang bansa ang ‘abrod’, ng mga transgresyon. Sa “Kulto ni Santiago” na lamang, may ganitong linya: lasapin: “Tiningnan ko ang ari ng Tatay at naalala ko ang bolang itim na kailangang ipasa ng aswang bago mamatay. Dahan-dahan kong isinubo at nilunok ang ari ng Tatay kasabay nang pagtilaok ng mga manok na naririnig kong parang magkasunod na iyak ng tuko.”
Mahahaba kaysa karaniwan ang mga kuwento rito. Ngunit natapos ko sa isang maghapon. Ganito ang hila ng marvelous realism ni Cordero, na mga kuwento ng loob at looban(i.e. seminaryo, loob ng van, mga silid sa karnabal at peryahan, mga silid sa bahay, mga lagusan sa prusisyon) ngunit hindi lamang ng sarili.
May pakikinig ang Kulto ni Santiagosa mga trahedya ng pamilya, ng simbahan, ng bayan, ng bansa. At sa husay ng wika at dulas ng daloy ng pagkukuwento, naipapakita ni Cordero sa mambabasa ang katotohanan sa mga sitwasyon na kapana-panabik, kahindik-hindik, dahil, muli, hihiramin ko ang mga salita ni Davis ukol sa pagkukuwento ni Berlin, na wala rin akong duda isang ninuno ni Cordero: “A transformation, not a distortion of the truth.”
Allan N. Derain, The Next Great Tagalog Novel at Iba Pang Kuwento(The University of the Philippines Press)
Metacommentary ang mga kuwento rito ni Derain. Dinig ito sa mga titulo pa lamang: “Mas Pinadaling Paliwanag Tungkol sa Panopticon,” “Paputian sa Laba,” “Huling Bakunawa,” “Kung Sino ang Mas Kilabot sa Aswang at Tulisan,” “Hinggil sa Kulam at Katuwiran,” “Magpapandesal,” “Tatlong Kurimaw,” “Batang May Asong Alaga,” at ito ngang “The Next Great Tagalog Novel” na nagtatapos sa isang eksena saan sangkot ang manunulat, at ang totoong tao, na si Jun Cruz Reyes. Oo, nasa loob siya ng kuwento ni Derain, gayundin sina Lilia Quindoza Santiago, Rogelio Sicat, at marami pang personalidad sa panitikan, lalo na ang mga taga-UP.
Dinig ang ginamit ko hindi dahil sa tik-tik ng aswang na isang paboritong sabdyek ni Derain kundi dahil sa tono ni Derain. Kung magka-extra oras & energy ako, gusto kong sumulat ng papel na may pamagat, Tono Bilang Mensahe at Metodo sa mga Kuwento ni Allan N. Derain.
Sa ngayon, ito ang mga Salita na binulong sa akin ng Tikbalang: naaaliw ka sa pagbabasa kay Derain dahil habang babad pa rin ang karamihan sa drama, nasa pangungutyana siya. Ang ibig kong sabihin, mga kababayan, kritisismo ang malikhaing pagsulat ni Derain. Binubura niya ang Great Wall ng creative at scholarly. Borderless ang uniberso ng kanyang mga naratibo. Maging ang kanyang teksto ay hindi lamang salita kundi biswal.
Kung tunog academic ito, ganito: matalas siya sa pagpuna ng mga kabalintunaan at ginagawa niya ito sa paggamit ng wit & humour kaya satirical ang tono ng kanyang mga kuwento. Hal. sa “Paputian ng Laba” na maaaring sabihin komentaryo sa kulturang popular, partikular sa mga palabas sa TV at sa pantasya’t imahinasyon na nadudulot nito sa mga manonood, lalo na ang mga maralita. Kaya sa huli, mga sarili natin ang ating pinagtatawanan. Ito ang isa sa mga gustong mangyari ni Derain at hindi para patuloy tayong malugmok sa kultura ng aliw kundi para maging kritikal tayong mamamayan.
Hangad ko ang pagbasa ng marami pang Filipino kay Derain.
Caroline Hau, Tiempo Muerto: Novel(Bughaw, imprint ng Ateneo de Manila University Press)
Nabasa ko at pinag-aralan si Caroline Hau bilang iskolar. Gusto ko siya, ang kanyang wika at pag-iisip. Kaya nang malaman kong may nobela siya, ang kanyang pinakauna, na-curious ako kung anong reading experience ang maibigay nito sa akin. Lalo pa at ang pamagat ay Tiempo Muerto. Ito ang tagkiriwi na alam na alam ko bilang batang Antique, probinsya sa Panay na pinanggagalingan mula noon hanggang ngayon ng sacada, o mga manggagawa sa tubuhan sa hacienda sa Iloilo at Negros. Lalo na sa Negros Occidental. Hanggang ngayon. Higit na ngayon.
Nabasa ko ito nitong Oktubre. Timing sa palabas ng Tanghalang Pilipino (TP) sa Cultural Center of the Philippines (CCP) na “Katsuri,” ang adaptasyon sa Hiligaynon-based Filipino ni Bibeth Orteza ng “Of Mice and Men” ni John Steinbeck, sa direksyon ni Carlos Siguion-Reyna. Napakagaling ng pagganap ng mga actor ng TP ngunit nakulangan ako sa adaptasyon, sa radikal na kontextwalisasyon para makipagdiskurso sa gahum. It was safe; mas nag-depict kaysa nag-engage.
Dito naiiba ang Tiempo Muerto ni Hau: may pagtataya ito.
Mga babae ang bida ni Hau. Si Racel, isang Singapore-based OFW na nagbabalik para hanapin ang nawawalang ina sa fictional na Banwa (salitang Bisaya para sa bayanng Tagalog, bagama’t ginamit dito bilang partikular na lugar). Transit point niya ang maid’s quarter sa enclave ng old rich sa Manila. Nakalabas man bilang “bagong bayani” na katulong, nariyan pa rin ang multo ng dependency sa mga agalon o amo na mga may-ari ng lupa at maimpluwensya sa local politics. Dumadaloy ang kuwento sa salitan ng naratibo nina Racel at Lia Silayco Agalon, tagapagmana at may hinahanap din, ang kanyang yaya. Si Yaya Alma, Nanay ni Racel. Interestingly, “I” ang POV kapag bahagi ni Racel, siya mismo ang nagsasalita. Pagbibigay boses sa subaltern. 3rd Person POV naman kapag bahagi ni Lia. May panoramic view & atmosphere. Magkaiba sina Racel at Lia, na nagtatagpo. Sa mga pagitan, ang mga multo at sumpa, at ang kasaysayan: mga manuscript ng Banwa na naitago ng pamilya ni Lia.
Kasalukuyan ang narrative time ng Tiempo Muerto. At pinapatunayan nito na foretold na ng mga pangyayari sa nakaraan ang ngayon kung kaya ang “necessary ending” nito.
Dito, sa kung paano tinapos ni Hau ang nobela, kitang-kita ang kanyang kamay bilang iskolar. Conflicted ako. Ang dating sa akin: lohikal bilang ideological decision, contrived bilang creative o stylistic decision. Gayunman, mabuti itong discomfort na hatid ng earnestness at ending ng nobela: generative. Napaisip ako: iyon na lang ba – pa rin – ang “makabuluhang” opsyon o alternatibo?
Kapwa trabaho at produkto ng imahinasyon ang nobela at nasa Rizal(ian) mode (pa rin) ang simula at wakas ng Tiempo Muerto: (mga) bidang nagbabalik sa kanyang bayan, at basahin n’yo ang nobela kung naiintriga na kayo sa ending.
Carlos M. Piocos III, Kung Ang Siyudad Ay Pag-ibig: Mga Tula(The University of the Philippines Press)
Mapapaibig ka hindi lamang ng pamagat, ng pabalat, ng mga tula mismo, maging ni Carlos Piocos na makata, kundi ng Introduksiyon ni Raniela E. Barbaza at blurb ni Luna Sicat Cleto. Hayaan ninyong sipiin ko, para sa inyong hindi pa nahahawakan ang libro:
Ani Barbaza: “ Totoong hindi lamang ngayon lumilikha ng “katotohanan” upang makapaghari ngunit ibayo ngayon ang paglikha ng mga “katotohanang” armas na nga ang kalikasan. Sa ganitong kalakaran sa daigdig at sa Pilipinas, higit lalong pangangailangan na bumigkas ng katotohanan. Tinutugunan ng mga tula sa kalipunang ito ni Carlos ang kahingiang ito ng kasalukuyang panahon. Walang pakundagan, walang pangingimi, walang alinlangan, at walang kapatawarang iginuguhit ng mga tula ni Carlos ang totoo: inangkin ng mga may kapangyarihan ang wika mismo’t iniwan tayong mistulang mga katawan na lamang na binura ang mga mukha at inalisan ng pangalan.”
Ani Sicat Cleto: “Sukat at suka ng Lungsod ang mababasa sa mga tula: may katapatan sa damdamin at integridad ng talinhaga, laging sapat at balanse, walang nakaharang o nakapiring sa pagpulso. Kapag tinutulaan ni Carlos Piocos III ang anatomiya ng halik o ang pag-uusisa sa mga iniwang labi, nahahango niya ang buhay na sandali ng pamumukadkad at pag-iral nito. Kailangan natin ng ganitong tinig sa tula sa numang panahon.”
Ano pa ba ang maidadagdag ko?
Isang katawan ang Siyudad ni Carlos Piocos III, ang Mahal na sinusumbatan dahil “nakaligtaan nating magluksa” (“Hayaang Humayo”). Ang Siyudad na isang panahon at kondisyon na naisa-katawan, kaya ang dahas, sa bokabularyo, at sa pag-ukopa ng mga linya sa pahina.
Natapos ko agad basa ito sa gabi ng pagbili. May intensity at urgency ang mga tula sa koleksyon, enerhiya ng Siyudad na isang “shock & seduction” dahil dinadala tayo sa mga “bagong himpapawid,” “bagong dagat,” “bagong siyudad” (“Pamamahay”).
Bago ang mga tula ni Piocos, mga bagong uri ng kahirapan sa bagong kapaligiran: “Araw-araw, uumpisahan niya/ang kanyang umaga sa isang kurot ng tinapay/at madilaw na sabaw, pakikinggan ang masayang/agahan sa hapagkainan habang siya ay magtatago/na parang kasalanan ang kumain sa loob ng kusina” (“Itineraryo”). Bagong politika rin, at estetika. Walang metapora-metapora kundi lirikal na mga himutok, hinaing, hinagpis, hikbi na “bumibigkas ng isang tula sa di pa natin kilalang wika” (“Itineraryo”), kumakapit “sa’yo habang kapwa tayong nakatulala sa kawalan” (“Mass Grave”), at ang aking paboritong linya: “Hayaan mong maging aking bagong/ nasyonalidad ang iyong pangalan” (“Refugee”).
Hiwa.
Naisip ko: postkolonyal ang koleksyon. Ngunit ano ba ang ibig sabihin nito para sa mga mamamayang katulad natin, mga invisible at disposable na katawan sa Siyudad na kapwa Tagapagsalita at Kinakausap ng/sa mga tula ni Piocos? Narito ang precarity, at ang kaakibat nitong anxiety. Tumpak ang pangwakas na tula, ang “Homo Sacer.”
Natapos ko kaagad basa sa isang gabi ngunit kailangan kong balik-balikan, ulit-ulitin. Walang pagsasawa. Nasa putok at sabog ng mga laman (content) sa linya ang affective power ng Kung Ang Siyudad ay Pag-ibig. Mga modernong poste at bloke ng mga salita; pino ngunit hindi sanitized kaya aural, visceral. Sagana sa pangngalan at pandiwa. Chiseled na mga linya, may masel: charming sa kanilang tigas at bigat.
Poetry gymnast si Piocos. At tama si Barbaza: “Mahirap basahin ang mga tula sa kalipunang Kung Ang Siyudad ay Pag-ibig ni Carlos Piocos III.” Humihingi ito ng kasanayan sa pagbabasa, ng mahaba-habang kasaysayan ng pagbabasa ng isang mambabasa. Ng Oras. Ng Atensyon. Ngunit huwag, huwag kayong ma-intimidate. Itong “kahirapan” ang intrinsic value at atraksyon ng koleksyon.